^

Pang Movies

Iba pang mga gamit lahat milyones din, mas mahal pa sa house and lot Office table ni Willie Revillame sa pag-aaring building, P2 million ang halaga

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kilala ba ninyo si Walter Knoll? Ito ang tatak ng office desk ni Willie Revillame sa kanyang bagong Wil Tower. Mesa lang may halagang P2 million na. Higit pang mahal sa house and lot mo, Indang Goreng!

Kung magtu-tour pala sa bagong condo building along the ABS-CBN properties, tila may tag-price ang lahat ng bagay. Ang Kenneth Cobonpue chandelier sa atrium, milyones ang halaga.

Ang condo-mall sa Eugenio Lopez street ang sinasabing tallest building in Quezon City na may 42 twin-tower stories.

Ang sabi ni Revillame, lahat ng pinuhunan niya sa condo-mall, galing sa pagpupunyagi niya sa kanyang show. Wala siyang pulitikong kasama na na­ngungurakot ng pera ng bayan, habang nasa tungkulin!

Kung puwede lang pati ang kanyang sandals na suot lagyan ng tag-price. Armani kasi ang tatak ng signature na tsinelas!

Award giving bodies tiyak na sasakit ang ulo sa rami nang magagandang pelikuLa

Mahihirapan ang mga movie award-giving bo­dies in 2014. Dumagsa kasi this year ang magagandang pelikula, na siyang pararangalan sa susunod na taon.

Pagkatapos ng Sineng Pambansa Masters Edition na may 12 obra maestra mula sa mga batikang director, susunod agad ang Cine Filipino ng PLDT, Studio 5 at Unitel. Sa Sept. 18, na may walong bagong pelikulang gawa ng mga most promising filmmakers sa ating bansa.

Kahit walang SM Cinemas sa mga venues ng Cine Filipino, ipapalabas naman ang eight entries sa mga sinehan sa iba’t ibang malalaking mall tulad ng Trinoma, Glorietta, Eastwood, at Robinsons, ng buong isang linggo.

Meron pa silang gala evenings sa Newport Cinema sa Resorts World simula Sept. 18.

Kabilang sa mga inaabangang lahok ay ang comedy flick ng Bingoleras na bida sina Eula Valdez at Mercedes Cabral. Siyempre kasali ang Kuwento ni Mabuti by multi-awarded Mes De Guzman, starring Nora Aunor, Ama Quiambao, Mara Lopez, Sue Prado, and Arnold Reyes. Ilocano ang talkies ng Mabuti.

With English subtitles para maintindihan ng hindi marunong ng Northern dialect.

Mapupuno ang mga sinehan ng halakhakan sa Ang Turkey Man ay Pabo Rin na bida si Tuesday Vargas. Ibang genre naman Ang Huling Cha Cha ni Anita top billed by Angel Aquino and directed by Sigrid Andrea Bautista.

Love story ang Mga Alaala ng Tag-ulan ni Ato Bautista with Akihiro Blanco and Mocha Uson as lead players. Psychological thriller ang Puti ni Mike Alcazaren, top billed by Ian Veneracion at Jasmine Curtis Smith.

Tungkol kay Joe Ma. Sison ang The Guerilla sa A Poet nina Sari at Kir Dalena with Karl Medina portraying the rebel. Ang The Muses ni Janice Perez ay tungkol sa magkapatid na miyembro ng rock band na bida sina Kitchie Nadal at Janelle Jamer.

Ang ganda sa CineFilipino maraming klase ng pelikula ang pagpipilian na masisiyahan ang iba’t ibang uri ng panlasa ng mga moviegoers.

Ang dalawang screenings ng Thy Womb (Oct. 13 and 18) are already sold out sa nalalapit na 57th British Institute Film Festival sa London.

Sa mga booking in major film markets abroad, malaki na ang kinita ng gawa ni Brilliante Mendoza, starring Nora Aunor. Walang makapigil sa Thy Womb sa paghahakot ng mga awards at cash, sa iba’t ibang international filmfest.

Sikat na artista pinairal ang kapal ng apog, nakipag-party KAHIT dinedma ng mga bisita

Talagang matapang ang apog ng isang sikat na artista na dumalo sa isang okasyon na hindi naman siya welcome. Akala niya, siya ang magiging center of attraction. Tahimik ang lahat nang pumasok siya  sa venue. Kulang na lang ipagtabuyan siya.

Nag-stay pa rin ng matagal sa affair ang kapalmuks at manhid na tiniis ang pagdedma sa kanya.

A POET

AKIHIRO BLANCO AND MOCHA USON

AMA QUIAMBAO

ANG HULING CHA CHA

ANG KENNETH COBONPUE

CINE FILIPINO

NORA AUNOR

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with