Valerie binasted ang pulitikong manliligaw
MANILA, Philippines - “Gusto nilang putukin ’yung boobs ko, mga gano’n, personalan na ito! Sa totoo lang, sobrang happy ako at na-ging part ako ng seryeng ito. Napakalaking break ito for me,†sabi ni Valerie nang makausap namin recently tungkol sa kanyang role sa Anna Karenina.
Per project ang contract ng aktres sa Kapuso Network at freelancer siya kaya puwede siyang gumawa sa ibang networks gaya ng Kapamilya at Kapatid.
“Pero sabi nila meron na daw po akong next soap (opera) pero November pa.â€
Hindi ba siya nag-request sa GMA 7 na pabaitin naman siya sa susunod niyang proyekto?
“Para maiba naman doon sa ibang nagawa ko? Puwede, ’di ba? Hindi naman. Ako naman, ayoko namang mamili po ng role as of the moment,†sabi ng aktres.
Tungkol naman sa kanyang love life, naikuwento ni Valerie na may masugid siyang manliligaw na isang doctor.
“Okay naman siya. Nanliligaw pa rin siya. Actually, intern pa lang siya. Next year pa siya magbu-board. Gusto niyang maging anesthesiologist.â€
May pulitiko ring napabalitang nanliligaw kay Valerie.
“Wala na ’yun. Wala na. Friends na kami!†tili ni Valerie.
Binata naman daw ang naturang pulitiko pero mas masugid lang manligaw ang medical intern.
- Latest