Nabawasan na ng kinang ang young comedienne-TV host mula nang bumalik sa dati niyang TV network. Kahit pa sabihing binigyan siya uli ng tsansang mag-host at magpatawa ay hindi na siya katulad ng dati.
Sa segment niya kasi sa isang show ay hindi na malakas ang pitik niya. Mabuti pa nga nung mga panahon niya sa talk show sa isang istasyon dahil lumabas ang pagiging komedyante niya. Dito sa regular niyang segment ay medyo naging corny na siya.
Ganun din sa hino-host niyang isang show dahil bihira na siyang makapag-ad-lib, hindi katulad nung nasa talk show siya na puwedeng bira nang bira.
Para na siyang de susi na sumusunod na lang sa script. At iba talaga kapag “one of the†na lang siya. Hindi tulad nung siya lang talaga ang bida-bidahan sa show.
The Butler ni Oprah hindi kinagat ng mga Pinoy
Nakalimutan kong idagdag nung nakaraang linggo na isa sa mga hindi napansin na Hollywood film sa mga sinehan natin ay ang The Butler nina Forest Whitaker at Oprah Winfrey.
Bukod sa hindi gaanong nabalita sa atin ang pelikula ay hindi naman kilala kasi ng mga Pinoy si Forest. Eh si Oprah ay hindi naman mina-market na artista, kahit nakakadalawang pelikula na siya, kundi TV host at producer. Sayang, star-studded pa namang maituturing ang pelikula dahil sa rami ng mga umekstrang sikat.
Maganda ang mga nakapaloob sa kuwento ng The Butler. Maiintindihan ng mga tao ang hirap ng nadi-discriminate dahil sa kulay ng balat, lalo na kapag Itim ka nung panahong bago mag-’90s.
At bilang idolo ng mga African-American, gustung-gusto ni Oprah ang mga ganitong pelikula na nagpapakita ng pag-asa na kaya nilang lumaban ng patas sa mga Puti. Magtrabaho lang ng matapat at mabuti.
Hindi pa tuluyang nabubura ang diskriminasyon sa mga Itim saan mang parte ng mundo pero nagsisilbing paalala sa lipunan sina Oprah at Forest, at lahat ng black cast sa Butler. Puwede ring maging inspirasyon sila ng ibang lahi tulad ng mga kulay kayumanggi at ng mga dilaw.
Frozen Ground nina Nicolas at John semplang din
Hindi rin gaanong tinao ang Frozen Ground pero malaki naman ang lamang nito kesa The Butler. Sina Nicolas Cage kasi at John Cusack ang mga malalaking mukha sa movie poster. Kasama rin si Vanessa Hudgens.
Crime-thriller na totoong nangyari sa Anchorage, Alaska nung dekada 80 ang istorya ng Frozen Ground. Si Sgt. Jack Halcombe (Nicolas) ang matiyagang detective na hindi sumuko na mahuli ang serial rapist-killer sa tulong ng nakaligtas na biktima at testigo na si Cyndi Paulson (Vanessa). At si Robert “Bobby†Hansen (John) ang walang halang ang kaluluwa na nambibiktima ng mga bata-bata pang babae. Naturingan pang kilala siya sa kanilang bayan (baker siya at may sariling bakeshop) at pamilyadong tao na may relihiyosang misis, iyon pala ay nakakubli ang tunay niyang pagkatao sa lahat.
Nahuli naman ang kriminal at nahatulan pero masakit pa ring malaman na ang ilan sa mga biktima niya, na ipinakita ang mga pangalan at larawan sa katapusan ng pelikula, ay hindi na nahanap pa kung saan ibinaon ang mga bangkay. Tinatayang 17 hanggang 21 na babae ang biktima ni Bobby sa loob ng 13 years.
May ipare-rebyu?
E-mail: kibitzer.na.nicher@gmail.com