Billy asar-talo kay Vice Ganda, tawag na confused at bakla tanggap na tanggap

Laugh kami nang laugh kay Vice Ganda sa pa­ngangantiyaw niya sa Kalokalike ni Billy Crawford sa It’s Showtime. Tanong niya sa contestant, “Happy?” at “moved on?” na siyempre ang tinutukoy ay ang breakup ng co-host at ni Nikki Gil.

Naroroon din si Billy at game rin naman siyang nakipagbiruan. Tinawag niyang bakla si Vice Ganda at sagot naman ng komedyante, “At least, confirmed, hindi confused!”

All throughout ay panay ang biro ni Vice kay Billy patungkol sa tsismis nga na bading ito and in fairness sa singer/dancer, hindi naman siya pikon at panay lang ang tawa niya.

Sabi pa ni Billy, pagdating daw niya sa US, sabi raw ng mommy niya, “Nandito na ang bakla kong anak!”

‘Katawa!

Carl ibinuking na pinagbabawalang makipagrelasyon si Kris dahil sa career

Pabolosa palang manliligaw/boyfriend si Carl Guevarra dahil noong last birthday ni Kris Bernal ay niregaluhan niya ito ng trip to Singapore kasama ang kapatid nitong lalaki.

Pero nilinaw nga niyang hindi niya official girlfriend si Kris at nililigawan pa lang kaya kantiyaw sa kanya ng entertainment press na nag-i-interview sa kanya, napakagalante naman pala niyang suitor para gumastos ng ganun gayong hindi pa pala sila.

“Eh para sa akin, special naman kasi si Kris. Iba naman kasi ako eh. Eh natutuwa ako sa kanya,” pangangatuwiran niya.

Say pa ni Carl, ayaw naman niyang tanungin si Kris kung kailan siya sasagutin at masaya naman sila sa ganitong set up.

Exclusively dating ba sila?

“Oo, parang ganun,” he said. “Kasi, actually, medyo pinagbabawalan din kasi siya ng network na… (makipag-commit).”

Dahil sa career?

“Hindi ko alam. ’Yun ang naririnig ko pero hindi naman niya sinasabi,” sagot ng young actor.

Siya naman daw ay hindi siya pinagbabawalan ng kanyang manager na si Perry Lansigan kaya open naman siya tungkol dito.

Sa kanyang career, katatapos lang niya ng Bukod Kang Pinagpala teleserye at wala pa raw ulit bago pero napapapanood siya sa Titser with Lovi Poe sa GMA News TV.

When asked kung ano ang gusto niyang gawing project in the future, aniya, mga drama tulad ng My Husband’s Lover.

Ayon kay Carl, willing din daw siya sa mga gay role tulad ng papel nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

“Kasi hindi naman pangit eh,” aniya.

Willing din ba siya sa man-to-man kissing scene or love scene tulad naman ng ginawa nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa Lihis?

“Depende kung hinihingi ba sa script eh. Depende rin sa manager ko kung papayag siya. Pero ’wag naman ’yung parang bastos ang pagkakagawa,” saad niya.

Muling Buksan… hindi binibitawan ng viewers

Super happy ang cast ng Muling Buksan ang Puso ng ABS-CBN dahil kahit nasa third slot na sila ay maluwag itong tinanggap ng kanilang mga tagasubaybay base na rin sa feedback ng mga ito sa iba’t ibang social media sites.

In fact, base sa latest Kantar survey rating, napanatili ng Muling Buksan… ang rating nito kahit nag-change timeslot ito.

Ang alam namin, it is a 13-week series kaya kapansin-pansin ang bilis ng flow ng story. Every night ay may revelation na nagaganap sa bawat character.

In the coming weeks, mas marami pang twists and highlights na mapapanood sa serye.

   

 

 

Show comments