Sen. Bong patatapusin muna ng pag-aaral si Gianna Revilla

MANILA, Philippines - Ayaw nang pag-artistahin ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang anak niyang si Gianna Revilla na kade-debut pa lang the other week. 

“Gusto ko munang tapusin ang pag-aaral niya. Ngayon, kung gusto pa rin niyang mag-showbiz, tutulungan namin siya,” sabi ni Bong.

Ayon pa sa senador-aktor, hindi nila masisisi ang mga anak nilang mahilig sa showbiz dahil pareho silang artista ni Rep. Lani Mercado.

“Nasa dugo ng mga anak namin ang pag-aartista,” paalala pa ni Bong na nakapokus parati sa trabaho bilang pulitiko at artista.

Dingdong at Marian parang nag-honeymoon na

Batay sa instagram posts nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang bakasyon sa Bali, Indonesia, ay napakasaya nila. Birthday treat ni Dingdong ’yun sa kanyang girlfriend.

Tanong ng marami, nag-propose na kanya si Dingdong kay Marian doon sa Bali? May mga intrigero namang nagsasabi na bakit pa siya magpo-propose eh parang nagha-honeymoon na nga sila?

Kulang na nga lang sa kanila ay ikasal (?) daw at magsama sa iisang bubong.

Daniel gagawa ng harana version sa lola tulad ni Justin?!

 Hinarana ni Justin Bieber ang kanyang lola na hubo’t hubad at pinakalat pa niya sa Internet.  Plano ring gawin daw ito ni Daniel Padilla sa lola niya, in different style nga lang, ayon sa nakarating sa aming balita. Pero, naku naman, komo ba’t sinasabing siya ang Justin Bieber of the Philippines, kung ano ang ginawa ng idolo niya, iyon din ang gagawin niya? 

Bakit hindi na lang niya pagbutihin ang acting niya sa teleserye at pelikula? O kaya mag-practice siyang kumanta dahil hindi naman impressive ang kanyang singing voice. Ano sa palagay n’yo?                                                                          

 

 

Show comments