Carl guevarra sasamang alamin ang 24-hour breakfast places

MANILA, Philippines - Breakfast daw ang pinakaimportanteng meal of the day. Pero dahil sa nagbabagong Pinoy lifestyle at mga bagong hanapbuhay, hindi na lang ito morning meal, puwede na ring all-day and all-night! Naghanap ang Pop Talk ng tatlong breakfast places na naghahain ng malinamnam at nakabubusog na breakfast — 24 hours a day, seven days a week! 

Isasalang sa review ang Tapsilog Centrale na isang “hamak” na roadside karinderya sa Quezon City na naghahain ng angus beef. Pupuntahan rin ang hole-in-the-wall food find sa Mandaluyong City na Kanto Freestyle Breakfast, at ang hole-in-the-mall na Borough sa Podium Mall sa Ortigas, Pasig City.

Makakasama ni Kuya Tonipet Gaba sa pagre-review ang expert na food at parenting blogger sa www.flakesandnuts.info na si Nora Aquino, ang estudyante sa De La Salle-College of St. Benilde na si Nadia Ley Estorco Macaya, at ang celebrity reviewer na napapanood ngayon sa drama mini-series na Titser na si Carl Guevarra. Huhusgahan nila ang tatlong 24-hour breakfast places base sa criteria na food, place, at price.

Agahan sa buong araw at magdamag sa Pop Talk: 24-hour Breakfast Places ngayong Martes, 10:00 p.m., sa GMA News TV.

Show comments