^

Pang Movies

Pulitikong pabling kuno ang image tuloy pala ang relasyon sa college BF

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Pabling ang image ng isang pulitiko dahil marami ng mga starlet ang na-link sa kanya. Meron palang nakatagong lihim ang ‘‘mahilig’’ sa chicks.

Kaklase niya sa college ang sikat na media star at doon sila nagkaroon ng love affair. Hanggang ngayon, tuloy ang kanilang patagong relasyon. Baka natatakot ang politician na mabuko ang kanyang ‘‘dating’’ pagka-bading kapag tinalikuran niya ng basta-basta ang college lover!

Expertise ni Gela Laurel sa pagme-makeup inspirasyon ng mga kabataang bading

Maraming ambisyosang KB (kaba­taang bading) ang naghahangad na makapag-aral sa Empire Academy of Makeup in California. Doon kasi nagtapos ng make-up trade ang kilalang beauty expert na si Gela Laurel, hindi sa Ricky Reyes Ins­titute!

Isang dalubhasang makeup artist and celebrity client si Gela. Isa sa mga type niyang ayusan si Sarah Geronimo dahil makinis ang kutis at may pambihira pero pantay na skin tone.

Kasama sa kanyang mga sikat na higit na napapaganda sina Georgina Wilson, Jennylyn Mercado, at Gloria Diaz.

Sa mga dalaginding na beki, be brave and follow your dreams. Puwede rin nin­yong marating ang tagumpay na tinatamasa ni Gela Laurel kahit galing pa kayo sa isang puritang angkan.

Aiza at Charice magkasangga hanggang kay Mali

Aktibo naman pala sa worthy causes ang ‘‘mag­­kumpareng’’ sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco.

Sumama ang dalawang singers sa isang rally na naglalayong palayain sa Manila Zoo ang elepanteng si Mali.

Ang iba namang celebrities, gustong magkaroon ng partner ang lonely elephant. Gagawing lovenest nila ang kanyang kulungan sa zoo. Aba­ngan ang napakalaking romansa!

Cory Quirino nawala na sa pictorials ng Miss World Philippines

Mahigit nang isang linggong nagwaging Miss World Philippines si Megan Young pero wala pa kaming nakikitang pictures ng pageant organizer na si Cory Aquino sa mga coverage, na kasama ang title holder and runners-up, tulad ng maraming lumabas noong mga nakaraang taon.

Mabuti naman at naibigay na sa winners ang spotlight which they rightfully deserved.

Gerald pinagdududahang may itinatago kaya magaling umiwas

Lalo tuloy nagiging curious ang showbiz press sa ginagawang pag-iwas sa kanila ni Gerald An­derson.

Meron na tuloy nagduda na baka may tina­tagong lihim ang aktor at takot siyang lumigwak ang kan­yang sikreto. Maraming paraan upang patuna­yan ang inyong hinala. Gamitin ang creativity at maku­kuha ang pinakamimithing information.

Ben Affleck magba-Batman muna para kay Superman

Laman ng mga diyaryo at naipalabas sa mga TV news show na si Ben Affleck ang napiling gaganap ng Dark Knight superhero sa susunod na Superman movie which is due for release in 2015.

Hindi ang dating Batman na si Christopher Bale ang kasama sa super production kaya’t bagong aktor na may malakas na Christian appeal ang kinuha nila.

Ang magdidirek ng Superman sequel ay si    Zack Snyder na director ng worldwide blockbuster na Man of Steel, na bida si Henry Cavill. Guest bale si Ben bilang Batman.

Boyet hindi bagito sa musical

Una naming nakita at napanood in person si Christopher de Leon sa stage musical na Godspell, as Jesus Christ. Bukod sa pagiging mahusay na aktor, magaling pang kumanta si Boyet kaya bagay na bagay sa kanya ng isang musical lead role.

Kaya hindi kami nagulat na kasama siyang magpo-produce ng isang stage musical, Lorenzo, na batay sa buhay ng unang Filipino saint na si San Lorenzo Ruiz, mula sa kanyang Green Wings Entertainment Network, with original music by Ryan Cayabyab. Isang contemporary opera ang Lorenzo at tinitiyak ng actor, ‘‘producer,” at singer na magiging kakaibang panoorin ito.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

BEN AFFLECK

BOYET

GELA LAUREL

MISS WORLD PHILIPPINES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with