Carla naka-recover na pagkaka-ospital, nasobrahan ng stress sa trabaho
Naka-recover na si Carla Abellana mula sa kanyang pagkakaospital kamakailan dala ng sobÂrang stress sa trabaho. Humina pala ang resistensiya niya dahil sa sunud-sunod na trabahong ginawa niya. Bukod kasi sa taping ng My Husband’s Lover ay meron din siyang mga regional show na pinupuntahan.
“Nagsimula sa sipon hanggang sa lagnatin na ako. Humina ang katawan ko kasi nga pinilit ko ang katawan ko kahit na alam kong may sakit na ako. Pero dahil gusto kong maging professional sa trabaho, pinilit ko pa rin. Ang ending, naospital ako.
“But I’m okay now at balik sa trabaho. Pero ingat pa rin ako at baka mabinat naman,†kuwento ni Carla.
Siya rin kasi ang nag-iisang female host sa naganap na coronation night ng Miss World Philippines 2013 last Sunday night sa Solaire Resorts & Casino, Pasay City.
Kasama niyang nag-host sina KC Montero at Victor Basa.
May gagawin din siyang pelikula for Regal Entertainment, Inc. na makakasama niya si Tom Rodriguez. Pero love story ito and this time ay hindi bading ang role ni Tom.
Beteranang ekstra napansin na!
Hindi man masyadong kilala ang nanalong best supporting actress (Director’s Showcase) sa nakaraang 9th Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang Ekstra/The Bit Player na si Ruby Ruiz, pero isa siya sa makapagpapatunay kung ano ang buhay ng isang ekstra or bit player sa paggawa ng pelikula o teleserye.
Si Ruby ang gumanap bilang mataray pero may puso na talent coordinator sa indie film ni Direk Jeffrey Jeturian. Ang Batangas governor and Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto ang isa sa mga gumanap na talents ni Ruby bilang Josie sa pelikula.
Sa kuwento ni Ruby sa isang TV interview, masasabi na niyang isa na siyang matatawag na old-timer sa pagiging ekstra sa pelikula dahil nagsimula siyang maging isang bit player late ‘70s pa.
Mula sa teatro ay sinubukan ni Ruby ang pelikula at sa dalawang pelikula nga ni Vilma ay naging ekstra siya.
“Una akong nag-ekstra sa pelikula ni Ate Vi na Rubia Servios in 1978. Then naulit na lang iyon in 1984 in Sister Stella L. Kaya it’s so funny na in Ekstra, si Ate Vi pa ang gumanap na ekstra. Tapos parang ako pa ang kinatatakutan nila sa movie. Hindi ako sanay.â€
- Latest