Young actress tumungga nang tumungga ng gluta kaya nasobrahan ng puti

Totoo kaya ang tsika na mahilig mag-take ng glutathione ang isang young actress kaya ang puti-puti na niya nga­yon? Matagal na naming hindi nakikita ng personal ang young actress kaya hindi rin kami makapag-comment. 

Maganda at bagay sa young actress ang kanyang dating skin kaya sayang naman kung totoong nagpaputi na siya ng skin niya. Bagay pa naman ang skin tone nila ng kanyang ka-love team. Kung sabagay, babae naman siya kaya siguro gusto niyang magpaputi ng balat.

Kim mas focused na magka-SUV

Birthday wish ni Kim Rodriguez na makasama sa birthday niya ang matagal nang hindi nakikitang ama noong Aug. 14 kaya lamang kailangan niyang umalis for Davao, nang araw na iyon, para sa two-day taping ng isang episode ng Magpakailanman under Gina Alajar. May pressure sa kanya na idirek siya muli ng mahusay na direktor dahil una niyang nakasama ito sa light teen TV show na Tween Hearts.

Thankful siya dahil magkakaroon din sila ng show sa Kadayawan Festival in Davao para magpasalamat sa success ng kanilang afternoon prime na Kakambal ni Eliana with Kristoffer Martin at Enzo Pineda.

Pero bumilib kami kay Kim dahil hindi siya talaga natakot humawak sa isang 10-foot, 16-kilo Burmese python na ipinulupot pa niya sa kanyang katawan sa Ark Avilon Zoo sa Pasig City. Nasanay na kasi siyang humawak ng iba’t ibang klase ng ahas na nakasama niya sa show, kaya wala na siyang takot. Nalungkot lamang siya dahil natapos na silang mag-taping at isinoli na si Naja, ang kakambal niyang ahas sa story na tumagal din sila ng three months taping pero ipinalabas ito ng four months, at magtatapos na this week, sa Aug. 23.

Hindi mababakante si Kim sa work dahil may dalawa siyang gagawing indie films, ang Pangarap to be directed by Joey Reyes. Matatandaan na ang first acting award na natanggap ni Kim ay sa Mga Mumunting Lihim as the best new movie actress na dinirek din ni Joey. Makakatambal niya rito si Alwyn Uytingco.

Ang isa pang indie film na gagawin ni Kim ay ang Chasing Boulevard, isang road trip movie na ididirek ni Ces Damas at makakasama niya sina Kiko Estrada, German “Kuya Germs” Moreno, at Tee Jay Marquez. Biniro namin si Kim kung totoong nanliligaw sa kanya si Kiko, hindi raw totoo, naging close lamang sila noong magkakasama sila sa Tween Hearts. Mas focused siya sa work niya lalo pa at mabibili na niya ang dream niyang white Montero car na 2014 model.

Ogie hindi matanggihan ang mga kaibigan

Paano kaya pagkakasyahin ni Ogie Alcasid ang may 40 guests niya mamayang gabi sa kanyang 25: I Write the Songs na birthday and anniversary concert niya tonight sa SM Mall of Asia Arena? Dati kasi ay 24 lamang ang invited guests ni Ogie pero dumami nang dumami nang mag-volunteer ang friends niya na mag-guest sila. 

Siyempre pa, hindi iyon tinanggihan ni Ogie, like Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Pops Fernandez, at Gary Valenciano.

Show comments