Ryan malaki ang tampo sa TV5?!

“After five years, Talentadong Pinoy will end on Sunday, August 18,” sabi ng host na si Ryan Agoncillo. â€œThe decision of the management sucks but wala naman kaming magagawa. Right now, I’m concentrating on our grand finals on Sunday at the Cuneta Astrodome. I do not talk to anyone but I believe it is the end of an era.”

Wala pa ring maibigay na susunod na gagawin si Ryan after ng grand finals. Ipinababahala na raw niya sa manager niya na makipag-usap, ayaw pa niyang isipin ang bagay na iyon. Actually pala, nagtapos na ang contract ni Ryan sa TV5 last February pero nag-decide siyang tapusin na ang grand finals.

Taong 2008 nang simulan ang Talentadong Pinoy at for eight months ay wala raw halos pumapansin sa kanila then it made good at naging banner show na ng TV5 at nagtala ng pinakamataas na rating sa lahat ng shows noon at hanggang sa ngayon. 

Ginaya na nga sila ng ibang shows pero nanatiling hinihintay every Saturdays and Sundays ang mga ipakikitang galing ng mga Pinoy here and abroad kaya nga sa grand finals ay pinamagatan na itong Talentadong Pinoy Worldwide Battle Royale. 

Maglalaban-laban ang seven grand finalists na sina Laserman, Sor Apao, Larvae, Rina Forbes, Nocturnal Dance Company, Haina Udin, at si Spyro Marco. At ang magiging 4th Ultimate Talentado ay makatatanggap ng one million pesos cash at house and lot.

Sheena feel na feel na maging taga-karga ni David

Feeling second mom na pala ni David Remo ang nanay Agnes niyang si Sheena Halili sa telefantasya nilang Binoy Henyo na kahit sa mga mall show nilang dinarayo ng fans, gusto ni David na karga siya ng aktres, kahit kasama rin nila si Luis Alandy na gumaganap naman niyang tatay.

Ayon sa young actress, natutuwa naman siya kay David dahil nakakatulong ito para sa kanilang role na mag-ina sa drama series na napapanood daily bago ang 24 Oras. Like this week, tutuloy na si Agnes na pumunta abroad and it breaks her heart na iwanan ang anak pero kailangan dahil natatakot siya na para makatulong si Binoy sa kanila ni Lola Chato (Nova Villa) ay nagtitinda ang bata ng basahan sa kalye. At magiging madrama ang tagpo sa airport dahil nasundan pa rin siya ni Binoy sa tulong ni Francis (Luis) at sa unang pagkakataon ay muling magkikita ang nanay at tatay niya at malalaman ni Francis na ang lagi niyang tinutulungang bata ay anak pala nila ni Agnes.

Kanta ni Kuh pinagsasawaan na

Marami nang nagsasawa sa theme song ng controversial pero sinusubaybayang pink serye na My Husband’s Lover ng GMA 7 na One More Try ni Kuh Ledesma kaya inilagay ang Help Me Get Over ni Jonalyn Viray pero may reklamo pa rin ang viewers, kaya isinama na ang Sabihin Mo Naman ni Kris Lawrence.

 

 

 

Show comments