Benjamin idinenay si Janine Tugonon

Nag-explain na si Benjamin Alves sa nabalitang exclusively dating sila ng Miss Universe 2012 first runner-up na si Janine Tugonon.

Ilang beses na kasi silang nakitang magkasama at nagde-date pero paliwanag ng aktor na nagkataon lang na lumalabas sila ni Janine.

 â€œI would not call it exclusively dating because we’ve only went out a few times. Naging close kasi kami ni Janine not just because we have the same manager but because we go to the same church.

“Kaya minsan nagkakayayaan na lumabas para mag-dinner. Wala namang masama roon, ’di ba? Pero siyempre, people na nakakakita sa amin, mag-iisip na it’s a date pero hindi naman. Can’t I have dinner with a friend and not call it a date? Puwede naman, ’di ba?” ngiti ni Benjamin.

Kaya ang balitang nanliligaw na siya sa beauty queen ay hindi pa naman nangyayari.

“Wala pang ligawan na nangyayari. Ang bilis naman. Nakita lang kaming nag-dinner ’tapos meron na agad silang na-assume,” sabi ng Kapuso actor.

Kakabalik lang ni Benjamin mula sa Amerika dahil nag-judge siya ng Bb. Pilipinas-USA. Nasa bakasyon nga siya noong malaman niyang nanalo ng maraming awards ang kinabilangan niyang indie film sa Cinemalaya Independent Film Festival na Sana Dati na kasama niya sina Lovi Poe at Paulo Avelino. Dinirek ito ni Jerrold Tarog.

Kiko hindi type ni Kim

Natawa na lang ang bida ng Kakambal ni Eliana na si Kim Rodriguez sa balitang nililigawan siya ngayon ni Kiko Estrada. Paglilinaw niya ay matagal na niyang kaibigan ang young actor kaya huwag magulat ang marami kung nakikita silang magkasama.

“Matagal na po kaming friends ni Kiko. Nagkasama po kami sa Tween Hearts noon kaya nagkakasama na kami noon pa.

“’Tapos po ngayon, meron kaming ginagawang indie film titled Chasing Boulevard. Kasama namin dito si Teejay Marquez.

“Hindi ko naman po nararamdaman na nanliligaw si Kiko. Saka hindi po ba pina-partner siya kay Julia Barretto sa kabilang network? Nakakahiya naman kung mali-link siya sa akin eh bini-build up po ang love team niya sa iba,” pagpapakumbaba ng Kapuso star.

Show comments