^

Pang Movies

Nabigyan na ng TPO: Raymart hindi pa tinutupad ang pangakong van sa mga anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagbaba na ng hatol ang Marikina Regional Trial Court na kumatig sa hininging Temporary Protection Order ni Claudine Barretto laban sa kanyang asawang si Raymart Santiago. Inutusan ng Korte si Raymart na hindi niya maaaring kausapin si Claudine, ang kanilang mga anak, at maging ang mga yayang nag-aalaga sa mga iyon, at hindi niya maaaring lapitan ang sinuman sa mga iyon nang mas malapit sa 300 metro. Maliwanag sa utos na inalisan ng karapatan ang aktor na makita man lamang ang kanyang mga anak sa kahilingan ng kanyang asawa.

Hindi namin maintindihan kung bakit hiningi iyon ni Claudine samantalang kamakailan lamang ay sinasabing sumama ang kanyang loob nang hindi siputin ni Raymart ang birthday celebration ng kanyang adopted daughter na si Sabina, at sinasabi pa nga niyang ipinalagay niya sa birthday cake ng bata na “from mommy and daddy” iyon dahil ayaw       niyang maramdaman ng bata na napapabayaan siya ng kanyang ama. May statement pang nagsasabi na masama ang loob ng aktres na hindi pa natutupad ni Raymart ang kanyang pangako na ibibili sila ng isang bagong van.

Si Raymart naman ay naging consistent sa hindi pagsasalita, lalo na nga’t binigyan siya ng isang gag order. Minsan lang siya nagbigay ng statement.

Pero maliwanag ang aksiyon ni Raymart. Nag­harap naman siya ng isang petition sa Writ of Habeas Corpus, para makita niya at makasama ang kanyang mga anak, na sinasabi niyang pinaniniwalaan niyang karapatan niya. Matapos na magkita sila sa hearing ng kaso, na kung saan hindi naman masasabing nagkaharap sila talaga ng dating asawa, ni nag-usap, nagpasalamat lamang si Raymart sa mga naniniwala at sumusuporta sa kanya.

Pero ewan nga lang, sa showbusiness kasi ang karaniwang kinakampihan ng mga tao ay ang babae. Hindi rin namin maintindihan kung bakit sa ngayon ay ’di hamak na mas marami ang may simpatiya kay Raymart.

Regine naghahanda na sa paglipat

Mukhang gumagayak na naman si Regine Velasquez sa paglipat sa TV5. Kung sabagay, inaasahan na iyon matapos na lumipat doon ang kanyang asawang si Ogie Alcasid, at saka kahit na ibinibitin-bitin pa nila ang kanilang statement noon pa man, talagang common knowledge nang lilipat nga sila ng network pagkatapos ng kanilang kontrata, maliban na lang siguro kung mag-aalok ang GMA 7 ng napakataas na talent fee na hindi naman siguro gagawin ng network sa ngayon.

Siguro naiisip na rin naman nina Ogie at Regine na tumatanda na sila. Hindi na rin ganun kainit ang kanilang popularidad kaya doon na lang sila sa kung sino pa ang magbabayad sa kanila ng mas malaki.

Pero hindi lang ’yan, sinasabing may isa pang star ang GMA 7 na nakumbinsi nang lumipat sa TV5. Hindi nga lang siguro makapagsalita sa ngayon dahil umaasa pang baka bigyan ng mas malaking offer ng GMA 7 sa pagtatapos ng kanyang kontrata. 

Non-showbiz gf nakakahalata na sa berdeng katauhan ng actor bf

Nakakahalata na rin ang non-showbiz girlfriend ng isang aktor na mukhang totoo nga ang naririnig niyang ginagawa lamang siyang cover up sa “tunay na katauhan” ng boyfriend.

Ang tagal na naman kasi nun eh. Hindi pa sila nadadala.

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

KANYANG

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT

NAMAN

PERO

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with