Sikat na aktres nakikitira na sa dyowang foreigner

Akala namin ay wala nang love life ang sikat na aktres na ito matapos makipaghiwalay sa kanyang boyfriend ilang taon na ang nakaraan.

Nagkaroon pala ito ng nobyo na isang foreigner at ngayon ay nagli-live-in na silang dalawa. Nanamlay na ang career nito kahit magaling na aktres at kung lumalabas siya sa pelikula noon ngayon ay hanggang sa telebisyon na lang siya.

Maxene walang pakialam basta lumigaya

Akala rin namin ay hindi muna mai-in love si Maxene Magalona matapos ang breakup nila ni Renz Fernandez na anak ni Lorna Tolentino.

Ngayon ay may iba na namang glow sa mga mata ng aktres dahil  sa isang non-showbiz guy.

Katuwiran ni Maxene, masarap ang magmahal kahit nasasaktan ang puso. Hindi mahalaga kung showbiz o non-showbiz ang makakarelasyon niya basta’t ang mahalaga ay mahal siya nito at maligaya siya sa buhay.

Ayon pa sa aktres, alam naman niya kung paano hahatiin ang oras para sa pamilya at sa kanya ng minamahal.

Naging boyfriend na ni Maxene sina JC Tiuseco, Dominic Roco, Neil Arce, at ito ngang si Renz na ang huli.

Heart kinakarir na ang pagho-host

Kalat ang balitang nagli-live-in na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Pero sa mismong bibig ni Sen. Chiz nanggaling na hindi totoong nagsasama na sila ng aktres.

Ang mahalaga ay masaya at stable ang relasyon nila.

May glow din sa mga mata si Heart dahil bukod sa magandang love life ay ratsada rin ang career at kabi-kabila ang kanyang mga TV show. Nahahasa na rin ang aktres sa TV hosting lalo na ngayon na madalas ang guesting niya sa Startalk tuwing Sabado.

Show comments