^

Pang Movies

ABS-CBN hindi pa rin napataob sa rating ng GMA

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kahit ang feeling ng GMA ay ga-buhok lang ang lamang sa kanila ng ABS-CBN sa TV ratings noong isang buwan, maliwanag sa mga lumabas na numero sa July survey na malaki ang inabante ng Lopez network sa kanilang archrival.

Mula sa Kantar Media July rating na galing sa urban at rural homes, na nanguna ang Kapamilya sa (42 percent) Kapuso (34) percent. Ang agwat na walong porsiyento ay malaki kung tutuusin na bawat isang bilang ay kumakatawan sa isang milyon o higit pang manonood.

Sa bilang naman ng Nielsen, sinabi ng GMA na .1 percent na lang ang lamang ng ABS-CBN sa kanila with 34.4 percent viewership last month. Ang TV5 naman ay pangatlo sa kanilang 12.1audience share.

At least two figures ang rating ng Kapatid Network. Ibig sabihin, milyon na ang mga viewer na nanonood ng TV5 shows.

Ang sabi pa ng ABS-CBN, dominated nila ang primetime block with 47 percent against GMA’s 33 percent rating!

Ang top three na paboritong panoorin sa TV ay ang Maalaala Mo Kaya (35.4 percent), Juan dela Cruz (34.9 percent), at Wansapanatym (32.2 percent).

Sa mga news program, napag-iwanan ng TV Patrol (28.7 percent) ang 24 Oras (18.5 percent), na mahigit sampung porsiyento ang agwat!

Sa afternoon at morning timeslots naman sinasabing nanguna ang GMA.

Young actor at closetang singer buking sa ginawang kahalayan sa hotel room sa abroad bago mag-show

Lahat ng mga misbehaving artist na nasa abroad, nakakarating agad ang ginawang kabalbalan sa a­ting bansa kahit nandoon pa sila o hindi pa man nakakauwi.

Tulad ng isang young actor singer na inuna pa ang mga intimate scene sa kanyang hotel room bago nagpunta sa venue ng kanyang show. Na-late tuloy siya sa palabas at naghintay nang matagal ang mga Pinoy doon. Mukhang lupaypay pa ang artista at kulang sa energy ang kanyang performance onstage. Tinodo yata ang lakas sa kanyang sariling palabas sa kama!

Meron namang isang closetang singer na ang palaging request (o demand) sa mga promoter ng kanyang shows abroad ay bigyan siya ng handsome production assistant na palagi niyang kasama. Siyempre pa, hindi papayag ang malditang kantora kung walang magaganap na private concert between him and his P.A.

Mayor Herbert sumaklolo agad sa na-confine na manunulat

Isinugod nung Linggo ng gabi ang aming kaibigang si Manay Letty Celi sa Quezon City General Hospital. Maraming salamat kay QC Mayor Herbert Bautista at na-admit agad si Manay. Buti’t naasikaso agad siya ng Philippine Movie Press Club President Fernan de Guzman at nahingian ng tulong si Mayor Bistek.

Sa mga kaibigan ni Manay Letty sa showbiz, naka-confine pa siya sa nasa­bing ospital at maaari ninyo siyang dalawin at bigyan ng tulong doon.

2 Pinay mothers wagi sa Mrs. Asia International

Dalawang Pinay mothers ang nagwagi sa Mrs. Asia International pageant na tinanghal sa Kuala Lumpur, Malaysia recently. Si Stephanie Malibiran ang kinoronahang Mrs. Asia International Tourism at si Lubesly Tellidua naman ang Mrs. Asia International first-runner up.

Winners ang dalawa sa 2012 Mrs. Globe-Philippines pageant na nagpadala sa kanila sa Mrs. Asia International contest.

Isang single mom with four children si Lubesly, while medical technician married to a surgeon si Stephanie. They bested 26 other contestants from different countries.

Ellen DeGeneres excited na sa Oscars 2014

Ipinahayag ng Oscars na si Ellen DeGeneres muli ang magiging host ng kanilang 2014 awards night show which will be staged on March 2 next year.

As a second time host of the Academy Awards, very excited si Ellen na pinili ng producer at director ng show dahil familiar ang mga Hollywood at TV audience sa multi-award-winning TV host. Alam  nilang magiging very comfortable at mag-e-enjoy kay DeGeneres ang manonood ng Oscars na uma-bot ng 40.3 million this 2013 awards night.

Noong unang naging host sa Oscars si Ellen, na-nominate siya sa Emmy Awards. Ang kanyang The Ellen Degeneres TV show, nakatanggap na ng 45 Daytime Grammy Awards in the span of only 10 years!

Alam natin na si Ellen ang discoverer at unang nag-build up kay Charice Pempengco kaya malakas ang koneksiyon ni DeGeneres sa mga Pinoy.

vuukle comment

ACADEMY AWARDS

ALAM

CHARICE PEMPENGCO

DALAWANG PINAY

DAYTIME GRAMMY AWARDS

ELLEN DEGENERES

MRS. ASIA INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with