MANILA, Philippines - Bitin na bitin na ang mga Noranian na mapanood ang inaabangang balik-tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III sa TV5. Nakapag-taping na ang dalawa kaya lang may mga kulang pang eksena.
Tiyak papatok ang kanilang teleserye dahil usung-uso ang pagbabalik ng mga artista na pinagkakaguluhan dati. Iba kapag may pangalan na. Forty years na kaya sina Guy at Pip sa showbiz!
Roi galit sa mga bakla
Namumula sa galit ang magaling na aktor Roi Vinzon noong malamang beki pala ang kanyang pamangkin at malaking dagok sa dibdid niya na pati pala ang kanyang anak ay ganun din. Ito po ay sa My Husband’s Lover lang naman kung saan gumaganap siyang ama ni Tom Rodriguez.
Sa istorya lang naman asar sa mga bakla si Roi, hindi in real life. Say niya, marami rin siyang kilalang sioki na mababait at mararangal na tao naman.
Noong makakuwentuhan namin si Roi sa isang fiesta sa Nueva Ecija ay nalaman naming magaling kumanta ang character-supporting actor. Kulang lang sa pansin.
Saludo naman kami sa GMA kasi alam nila kung sino sa mga artista ang dapat i-cast sa mga teleserye.
Personal…
Sa Aug. 10 ay blessing at grand opening ng Zen Zest Spa na pag-aari ni Marivic Salvador Faronda. Matatagpuan ito sa Barangay San Jose Baliuag, Bulacan.