^

Pang Movies

Pekeng Lolit kakasuhan?: ‘Walang reason para tarayan ko si Ogie’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mama Salve, I need your help. Paano ba i-report ang mga poser sa Twitter? Isinulat ko na kahapon sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ang poser ko na gumagamit ng Twitter account name na LolitSolis56. Hindi na nakakatuwa ang kanyang mga tweet dahil tinatarayan niya si Ogie Alcasid at ang upcoming concert nito sa Mall of Asia Arena sa Aug. 16.

Walang reason para tara­yan ko si Ogie, may Twitter account man ako o wala. Nakakahiya kay Ogie pero sure ako na maiintindihan at alam niya na peke ang mga Lolit Solis na umookray sa kanya.

Shocking din na malaman na may another poser ako na @msLolitSolis naman ang Twitter account name.

Hindi ako nagkulang sa paalaala na wala akong Twitter, Facebook, at Instagram accounts. Kung maniniwala sa mga tweet ng fake Lolit Solis ang followers nito, sila na ang may kasalanan, hindi ako. Uulitin ko, hindi ko kailangan ng Twitter account dahil isinusulat ko sa PSN at dito sa PM ang lahat ng showbiz news at updates na nalalaman ko.

Mga lihim ni BB, namimiligrong ibuko ni John sa kanilang concert

Grabe, ang bilis ng araw. Imagine, ngayong gabi na pala ang simula ng Beauty and the Sweet, ang two-night show nina BB Gandanghari at John Lapus sa Music Museum sa San Juan City?

Parang kailan lang nang magkaroon ng presscon ang dalawa at kasama si Pops Fernandez dahil ito ang producer ng comedy show nina BB at John na magpapatalbugan sa pagrampa.

Dapat kabahan si BB dahil hindi niya kontrolado ang mga sasabihin ni John. Any moment, baka i-spluk ng co-star niya ang mga aktor na nakatsugihan noong si Rustom Padilla pa ito.

Naging loyal si Rustom nang magsama sila ng kanyang ex-wife na si Carmina Villarroel. Ewan ko lang kung naging faithful pa rin si Rustom noong maghiwalay na sila ni Carmina.

Susuportahan ng pamilya ni Rustom ang Beauty and the Sweet. Confirmed daw ang panonood ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, pati na ang nanay, mga kapatid, at pamangkin ni BB.

Burgos ipapalabas na

Inimbitahan ako ni Lorna Tolentino na pano­orin ang Burgos, ang closing film ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Bukas ang showing ng Burgos sa Cultural Center of the Philippines. Gustuhin ko man na ma­­nood, nalalayuan ako sa venue. Tamad na tamad ako na pumunta sa Maynila kahit sinasabi ng friends ko na hindi na uso ang trapik doon mula nang maupo sa puwesto si Manila City Mayor Joseph Estrada.

Hihintayin ko na lang na ipalabas ang Burgos sa cable channel. Madali nang ipalabas ang mga bagong pelikula sa Cinema One at free TV. Ayoko nang rumampa bukas pagkatapos ng Startalk, maliban na lang kung nasa Quezon City lang ang imbitasyon sa akin. Kilalang-kilala ako ni LT kaya sure ako na maiintindihan niya ang hindi ko pag-apir bukas sa gala premiere ng kanyang first ever indie movie.

Alden matutupad na ang dream kay Marian

Good news para sa fans ni Alden Richards na makakapareha nito si Marian Rivera sa kanyang next teleserye.

Si Alden na nga ang next important star ng GMA 7 dahil magagandang projects ang ibinibigay sa kanya.

Good karma si Alden dahil mabait at marunong maki­sama. Wala pa akong narinig na reporter na nagsabi na hindi nila type si Alden na napakagalang at may breeding. Looking forward ako sa primetime show ng GMA 7 na pagtatambalan nina Marian at Alden.

AKO

ALDEN RICHARDS

BEAUTY AND THE SWEET

BURGOS

CARMINA VILLARROEL

LOLIT SOLIS

RUSTOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with