May fear of heights, takot na takot mag-zipline: Xian mas malakas pang tumili kay Kim!
Mamayang gabi na ang premiere night sa SM Megamall ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na romantic-comedy at first movie together nina Kim Chiu at Xian Lim, sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal for Star Cinema. Kahapon ay napanood namin ang magka-love team sa Kris RealiTV na gumawa ng challenges sa La Mesa Dam EcoPark sa Quezon City.
Kahit anong sabihin ng dalawa na they are just friends, ayaw maniwala ni Kris Aquino dahil sa closeness nila. Hindi pa rin sila nakapagdi-date na sila lamang dalawa pero si Xian ay sumunod kay Kim nang magbakasyon ito sa Bohol.
Sweet din ang mga picture nila nang magkasama sila sa TFC shows sa London, England; Paris, France; Los Angeles, California; at Hawaii. Noong birthday ni Xian, si Kim ang nagbigay ng isang family dinner for him.
Nakakatawa lamang si Xian nang mag-zipline sila sa La Mesa EcoPark dahil mas malakas pa ang sigaw niya kaysa sa young actress na cool na cool lamang sa pagsi-zipline. Si Kim ang nagsabi na may fear of heights ang young actor. Pumayag lamang ito dahil kasama siya.
May bagong house si Xian pero ayaw pa niya itong ipa-feature sa Kris TV hanggang hindi nabi-bless. Si Kim pa raw lamang ang nakakakita sa kanyang bagong bahay.
Anyways, nahirapan si Kim sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? dahil comedy ito at kailangan niyang mag-wig ng kulot na buhok at magpa-pangit. Pero si Xian na boss niya ang tutulong sa kanya para siya gumanda after niyang matulungan ito na maibangon ang naluluging recording company na ipinamana sa kanya. So, alam nang magiging sila rin sa ending ng story.
Off-camera, inamin ni Xian na crush niya si Kim na inspiration sa lahat ng mga ginagawa niya ngayon. Pero si Kim, mukhang hindi pa maka-move on after her breakup with Gerald Anderson kaya sabi niya ay ayaw pa rin niyang ma-in love.
Bukas na ang opening nationwide ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na hango sa libro ni Ramon Bautista.
Ex-MMDA chief abala na sa construction company
After natalo noon sa eleksiyon si former Marikina mayor and chairman of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Bayani Fernando, walang nabalita sa kanya. Pero mamaya at 8:00 p.m., sa GMA News TV, binuksan niya kay Kara David ang kanilang modern house sa Marikina City. May-ari ng isang construction company, gumagawa pala siya ngayon ng mga school builÂding para sa Department of Education. Mula sa pre-fabricated metal, kaya nilang makatapos ng isang two-classroom builÂdÂing sa loob lamang ng six days.
- Latest