Hindi naman umaalis ng Pilipinas Charice puro press release pa lang ang mga show sa Amerika
Ayaw paawat ng detractors ni Charice dahil lahat ng kilos nito, napapansin nila.
Asking ang detractors ni Charice kung kailan ito pupunta sa Amerika dahil sa kanyang pralala noon na may mga show siya sa ibang bansa.
Never daw nila nakita na umalis ng Pilipinas si Charice na very visible sa TV mula nang aminin niya ang pagiging tomboyita.
Kung true raw na may show sa US si Charice, kumalat na sana ang balita dahil siya ang tweet nang tweet sa lahat ng kanyang activities.
Naghahanap ng explanation ang Charice watchers dahil si Charice ang naglabas ng press release tungkol sa kanyang busy activities kaya siya rin ang dapat sumagot.
Gimikera comebacking actress nagre-request ng media sa kanyang pagbisita sa orphanage
Gimikera ang comebacking actress na gustong bumisita sa isang orphanage pero nagre-request ng media coverage.
Kung talagang sincere ang hitad sa pagtulong sa mga bata sa bahay ampunan, hindi na niya kailangan ng publicity. Tahimik siya na pupunta at magbibigay ng tulong sa orphanage, di ba?
Kadiri ang comebacking actress dahil lahat ng mga plano niya, kailangan ng media coverage. Buking na buking tuloy na type lang niya ng free publicity para maramdaman ng fans ang kanyang presence. Teka, may fans ba siya?
Reality show ng kabadingan gagawin ng isang network
Dahil sa success ng My Husband’s Lover, nagpaplano ng mga show na may kinalaman sa kabadingan ang isang television network.
Mag-click kaya ang plano dahil reality show at hindi drama series ang binabalak ng TV network management.
Malapit nang magrebolusyon ang mga tomboy. Nagseselos na sila dahil tungkol sa mga kabadingan ang uso ngayon. Kailan ba raw magkakaroon ng show na may kinalaman sa katomboyan?
May dahilan para mag-emote ang mga tomboyita. Bakit nga ba may mga beauty pageant para sa mga bading tulad ng Super Sireyna ng Eat Bulaga pero walang contest para sa mga tomboy. Bakit nga ba? Ang feeling tuloy ng mga tomboy, may discrimination sa lahi nila.
Jose, Wally, Christian luhaan sa Philpop
Luz Valdez sina Jose Manalo at Wally Bayola sa Philpop 2013 na ginanap noong Sabado nang gabi sa Meralco Theater dahil hindi nag-win ang kanilang kanta na Askal.
Hindi dapat madismaya sina Jose at Wally dahil natalo man sila, popular sa masa ang Askal.
Hindi lang ang dalawa ang talunan dahil luhaan din sina Christian Bautista, Karylle, at ang dyowa nito na si Yael Yuzon.
- Latest