‘Hindi pa ako laos. Kaya ko pang magpanalo ng mga laban’ - Pacman
Buong ningning na sinabi ni Rep. Manny Pacquiao na hindi pa siya laos bilang sagot sa banat sa kanya ng kapwa boksingerong si Floyd MayweaÂther, Jr.
Sa panayam ni Pacman sa ABS-CBN news, sinabi niyang kayang-kaya pa niyang magwagi muli.
“Hindi pa ako laos. Kaya ko pang magpanalo ng mga laban,†sabi ni Pacman sa ABS-CBN news.
Depensa pa niya, hindi naman siya nabugbog sa huling laban niya kay Juan Manuel Marquez.
“Ang pagkatalo ko ay natyambahan lang tayo. Hindi naman ’yung binugbog tayo... na-lucky punch lang tayo, which is part of the game,†sabi ng boxer-politician.
Inamin din ng boxing champ na nayayabangan siya kay Mayweather sa mga sinabi nito.
“Sa atin, nayayabangan tayo. Eh puro salita lang siya ’no? Bakit puro na lang siya salita? Ayaw niyang sabihin na ‘let’s fight,’†he said.
Sa ngayon ay pinaghahandaan ng People’s Champ ang susunod na laban niya sa Nobyembre sa Meksikanong si Brandon Rios at dito ay patutunayan niyang hindi pa siya talaga laos.
Juday hindi napataob ng My Husband’s Lover
May pagdedebate ngayong nagaganap sa showbiz world kung alin ba talaga ang mas nagre-rate sa dalawang magkasabay na programa sa primetime, ang My Husband’s Lover ng GMA 7 o ang Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN.
Sa totoo lang, sobrang ingay talaga ng My Husband’s Lover na pinagbibidahan nina Carla Abella, Dennis Trillo, at Tom Rodriguez at maging sa social media ay pinag-uusapan ito. Ang tsika nga, tinalo na sa ratings ang Judy Ann Santos-starrer ng Kapamilya.
Pero sa huling ratings na nakita namin mula sa datos ng Kantar Media ay ang kay Juday pa rin ang mas mataas.
Ang huling ratings na nakita namin ay last Wednesday (Hulyo 17), na nakakuha ang serye ni Juday ng 21.9% sa national TV ratings habang ang sa TomDen naman ay 16.9%.
Pero kung datos naman ng AGB Nielsen ang titingnan, lumaÂlabas na ang My Husband’s Lover naman ang mas mataas.
Well, dati nang sinasabi ng ABS-CBN na mas credible ang ratings ng Kantar Media dahil ang datos nito ay batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa serÂvice provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.
Kinakatawan daw ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
Well, basta ang alam namin, ang pinapanood namin gabi gabi ay Huwag Ka Lang Mawawala dahil bilang babae, mas nakaka-relate kami sa kuwento nito.
- Latest