Nandito sa Pilipinas ang mag-inang Jenny at Cloie Syquia. Bumalik ng bansa ang dalawa dahil type nila na magkaroon ng showbiz career.
Si Boss Vic del Rosario ang kanilang manager. Alam ko na si Boss Vic ang maÂnager ng mag-ina dahil ininterbyu namin sila kahapon ni Papa Ricky Lo para sa Startalk.
Nangyari ang interbyuhan portion someÂwhere in White Plains sa Quezon City.
Very bubbly si Cloie habang nagkukuwento na halos pareho sila ng mga hilig ng kanyang half-sister na si KC Concepcion. Same ang taste nila sa music at pananamit.
Ang say ni Cloie, magkaibang-magkaiba sila ni Garie, ang another half-sister niya sa ama. Si Garie ang anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.
Mananatili si Jenny sa Pilipinas hanggang sa susunod na buwan. Marami siyang gustong gawin habang naririto siya sa bansa. Baka magsulat siya para sa section ni Papa Ricky sa Philippine Star at plano niya na bumisita sa isang orphanage sa Maynila.
Shalani abala sa pag-aalaga sa asawa
Ang interview kina Jenny at Cloie ang reason kaya hindi natuloy ang pagkikita namin kahapon ni Shalani Soledad.
Nanghihinayang ako dahil chance ko na sana na maÂkakuwentuhan ang common friend namin ni Shalani na kontrobersiyal.
’Di bale, iimbitahan ko na lang for lunch sa ibang araw ang friend namin ni Shalani. Gusto ko rin na magkita kami dahil hanggang sa telepono na lang kami nag-uusap. Wala nang TV show si Shalani at tapos na ang term niya bilang konsehala ng Valenzuela City pero busy siya sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa love of her life, si Pasig City Congressman Roman Romulo.
Richard bitbit ang anak na si Juliana sa London
Isinama ni Richard Gomez sa London, England ang kanyang anak na si Juliana.
Kasali si Richard sa Barrio FiesÂta Show ng TFC London sa July 20 at 21. Makakasama ni Richard ang ibang stars ng Kapamilya Network.
May chance na makita ni Juliana sa London ang kanyang friend na si Claudia, ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.
Kasalukuyan din na nasa London si Claudia dahil may-I-bring siya ng kanyang Tita Gretchen Barretto.
Best of friends sina Juliana at Daniella. Sila ang madalas na magkasama sa mga event ng Bench.
Restaurant ni Ogie automatic magbigay ng discount
Alam ni Ogie Alcasid na paborito ko ang mga pagkain sa kanyang Ryu Ramen restaurant kaya automatic na binibigyan ako ng discount ng mga tauhan niya.
Hindi ko nga nagagamit ang Senior Citizen ID ko tuwing pumupunta ako sa Ryu dahil sa discount na ibinilin ni Ogie sa kanyang mga tauhan.
In all fairness, napakasarap talaga ng mga pagkain sa Ryu. Deserving talaga na madagdagan ng branches ang ramen house ni Ogie. Try n’yo dahil to taste is to believe.