Studio players susugod na kay Luis

MANILA, Philippines - Susugod ang buong team ng top-rating Kapamilya game show na Minute to Win It sa Resorts World Manila sa Pasay City ngayong Huwebes (Hulyo 18), simula 9:00 a.m., upang hanapin ang susunod na maglalaro sa mas pinainit at mas pinatindi nitong Head to Head Challenge.

Bukas ang audition para sa mag-best friend, magka­trabaho, mag-ina, mag-ama, magkabarkada, magpinsan, magkasintahan, at ibang klase ng pares na 21 taong gulang at pataas. Magdala lang ng government ID at pumunta sa 3rd Floor, Vestibule Area ng Resorts World at baka kayo na ang susunod na maglalaro para sa P1 milyon.

Ang unang 1,000 pares lang ang tatanggapin. Dumalo na sa auditions sa Huwebes at manatiling nakatutok sa Minute to Win It Head to Head Challenge kasama ang host na si Luis Manzano, mula Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa ABS-CBN.

Show comments