^

Pang Movies

Vice may pinapaboran sa mga contestant sa Showtime?!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Naging unfair si Vice Ganda nung Sabado dahil binigyan niya ng mas magandang cell phone ang isang lalaki na sumali sa aktingan portion nila sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

Pareho lang kasi ang dapat na matanggap na item ng dalawang sumali sa kanilang show. Palibhasa ay mas guwapo ’yung isang guy na panay din naman ang pagpapa-cute kaya umiral ang kapilyahan ni Vice Ganda.

Kuh sasamantalahin ang pagkakataon, gagawa ng bagong album!

Thankful si Kuh Ledesma sa GMA Network, Inc. dahil bukod na sa kasali siya sa top-rating show na My Husband’s Lover ay ginamit pa ang kanyang kantang One More Try na 30 years ago pang sinulat ni Cecile Alarcon at sumikat na noon. Ngayon ay isa sa mga theme song ng palabas na tinatawag na pink serye at bigla uling big hit dahil din sa malakas na hatak ng serye.

Dahil mataas ang rating ng My Husband’s Lover, lahat ng cast ay masipag magtrabaho, lalo na si Kuh na gumaganap na nanay ni Tom Rodriguez, dahil nga nabigyan siya ng pagkakataon na lumabas muli sa TV. Hindi raw madali sa singer na mag-portray na ibang character.

“Buti na lang hindi ako ang bakla ’di ba?” pabiro niyang sabi sa isang interview.

Dahil sa magandang pagkakataon ay sasamantalahin na rin ng Pop Diva na gumawa ng bagong album. This time ay bubuhayin niya ang lahat ng mga kantang may pamagat na “Ikaw,” tulad ng Ikaw Lang, Ikaw Pa Rin, at marami pang ibang songs. Pati na rin ang mga kantang may linya ring “ikaw” na pagsasamahin niya sa iisang album. Ngayon pa lang ay tinatrabaho na nila ng Universal Records ang mga detalye para sa nasabing album.

Parents nina Jake at Bea wish na ‘wag na silang magkabati

Kamot na lang sa ulo at ngiti ang sagot ni Jake Vargas sa alitan ng kanyang daddy at ng mommy ng girlfriend niyang si Bea Binene. 

Walang magawa sina Jake at Bea sa tampuhan ng kanilang mga magulang na hindi naman nila mapilit na mag-usap dahil sa hindi nga nagpapansinan ang mga ito kapag parehong nasa taping nila.

Pati tuloy ang fans nila ay naapektuhan dahil minsan ang fans lang ni Bea ang pinapasok sa GMA kaya umaalma naman ang daddy ni Jake dahil paano nga naman ang fans ng kanyang anak?

Ang mommy naman ni Bea ang nagre-react kapag fans lang ni Jake ang pinapasok ng guard na in fairness sa dalawa ay parehong bultu-bulto ang dami ng kani-kanilang fans’ club.

Ang nakakatawa pa, pareho ang wish ng hilaw na magbiyenan na huwag na silang magbati at mag-usap para raw hindi na humaba ang isyu sa kanilang dalawa.

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

CECILE ALARCON

DAHIL

IKAW LANG

IKAW PA RIN

JAKE VARGAS

KUH

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with