Mag-amigang beki nagkasira dahil sa pinagsasaluhang lalaki

Very close friends ang dalawang donyang ba­ding. Kaya lang ang isa ang palaging nauunang ma­ka­tikim ng mga menchu na pareho nilang pinagnanasaan.

Kapag sawa na ang nauna sa kanyang flavor of the season, gibsung niyang bigla sa kanyang amiga. Lately, nagbago na ng patakaran ang laging catcher! Tumatanggi na siyang magpapel na taga-salo.

Nang pinadala na sa kanyang pad ang isang mati­punong male starlet na galing sa kanyang amiga, hindi na niya tinanggap at agad na pinauwi. Nakara­ting sa kabilang baklesh ang nangyari na ang sabi ng iba nilang amiga, ang naging dahilan ng existing gap between the then “share-a-toy” friends.

Pero wala pang puhunan Phillip magtatayo ng acting school!

Noon pang kasibulan ni Phillip Salvador, alam na niyang sa patuloy na pagyabong ng kanyang pag-aartista, mga papel na ng kontrabida ang kanyang gagampanan.

“Darating ang araw na magiging kontrabida ka,” minsang nasabi sa kanya ng yumaong National Ar­tist for Film na si Lino Brocka.

“Nasanay na ako sa mga bida/kontrabida role tulad ng Bona, Rubia Serbios, Cain at Abel, Jaguar, at Orapronobis. Sa litanya ng mga obra ni Brocka na ginampanan ni Kuya Ipe, bawat titulo ay isang classical masterpiece.

These roles molded him into being most dreaded, but widely admired screen villain. Kaya ngayon ay gamay na niya ang maging anti-hero, tulad ng papel niya sa action/dramang Undercover ng TV5.

Hindi naman ang ibig sabihin nito ay lahat na lang ng ialok sa kanyang project na siya ang kontrabida, tinatanggap niya.

“Marami na rin akong tinanggihan, about twelve of them,” sabi ng aktor.

 Nakasanayan na niya ang i-share ang kanyang kaalaman sa pag-arte sa kanyang mga co-star, tulad kina Derek Ramsay at Wendell Ramos sa Undercover.

Kaya naman sumagi sa kanyang isipan na magtayo ng isang sariling acting school o Phillip Salvador Actor’s Studio tulad nang ginagawa ng mga bantog na artista sa Hollywood at ibang film capitals of the world.

“Malaki rin ang kailangang puhunan para magkaroon ako ng sariling acting school,” na-compute agad ni Kuya Ipe. “Pag-iipunan ko ito at para marami akong matulungan na mga kabataang artista.”

Sa project na ito, tiyak na maraming financier kang makukuha o kasosyo. Maaari mo nang simulan next week o next month.

Roxee B. hindi alam kung anong gustong gawin

Bago na naman ang showbiz monicker ng comebacking na si Roxanne Barcelo: Roxee B. Isang mahusay na singer si Roxee kahit noong teenager pa lang siya. Medyo nadiskaril ang kanyang career noon dahil hindi siya sigurado kung saan niya gustong pumunta, sa pag-arte ba o sa pagkanta?

Lumaki si Roxee sa States at doon pa lang ay mahusay na siyang performer. Ngayon ay higit na sexy siya at daring.

Sana mabigyan ng magandang break si Roxee kahit sa isang teleserye o sa isang musical/variety show. Mahusay siyang singer at emcee kaya’t puwedeng asset sa isang show.

Aubrey Miles may natitira pang fans

Sa victory party ng FHM’s 100 Sexiest Women ay rumampa si Aubrey Miles. Siyempre very sexy pa rin at malakas ang appeal ng aktres, kahit may mga anak na.

Dapat siyang mag-comeback sa isang drama series o kahit sa mga indie film. Marami pang mga tagahanga si Aubrey Miles hanggang ngayon.

Richard Yap expected nang bebenta sa bar show

Expected na ng Philippine Movie Press Club na mapupuno ang Zirkoh Morato last night (Saturday) sa kanilang fund-raiser topbilled by Richard Yap. A few days before the live show, 80 percent na ng tickets ang nabili.

Avril Lavigne suot ang wedding gown na gawa ni Monique Lhuillier

Noong ikinasal si Avril Lavigne last week, ang sinuot niya ay isang black creation ng Cebuana fa­shion designer na si Monique Lhuillier who is now a leading couturier in Hollywood.

Isang band frontman si Chad Kroeger, ang naging mister ni Avril, at naganap ang wedding sa France na dinaluhan pa ni Monique.

Show comments