^

Pang Movies

Gaganap uling bading sa isang remake Jake ayaw mag-react kung bakit natotoka sa gay role

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Gaganap pala bilang isang bakla si Jake Cuenca sa gagawing remake ng Viva Films of one of the late Danny Zialcita’s much admired but controversial movies Bakit Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi?

Wow, tanong namin kay Jake, ’di kaya lalong lumala ang balitang he is talaga a gay in real life considering that second time na siyang gaganap ng ganitong role? Ang una na nga sa pelikulang Lihis where both he and Joem Bascom play closet queens.

‘‘I don’t think I have to explain why I again agreed to play the gay role in the Viva Films movie.

‘‘For me, a role is a role. And I will do it lalo’t kung as challenging and controversial ito, tulad ng dalawang nabanggit na mo­vies,’’ ani Jake.

‘‘Kung maging ‘markado’ ang pagkaganap ko sa mga nabanggit na role then I would even feel proud of it. For it means ’di ba that I delivered?’’

In contrast sa nabangngit na dalawang roles, isang macho naman si Jake sa Star Cinema and Skylight Films. He plays a bus driver in the movie na na-in love sa kanyang konduktora, ginagampanan ni Eugene Domingo.

‘‘I’d say na may role in Tuhog is equally as challenging. Likewise, it was not easy putting talent with such a versatile performer like Eugene. Aba, pati sa abroad, recognized ang kanyang pagiging best actress,” sabi ni Jake.

But for him, isang kakaibang experience niya sa Tuhog is his torrid kissing scenes. Yes, scenes, with Eugene.

Ganun din ang other intimate scenes nilang dalawa dahil, ayon naman kay Eugene, parehong ‘‘give na give’’ sila.

Ganun man ’di rin daw nagpahuli, where acting is concerned, ang iba pang members ng cast ng Tuhog, tulad nina Enchong Dee, Empress, at Leo Martinez. Each of them ay masasabing may kanya-kanyang highlight sa pelikula.

Halimbawa na lang si Enchong, as Caloy, who wants to preserve his virginity para sa kanyang mamahaling babae. On the contrary, Fiesta (Eugene), a 40-year-old virgin ay willing nang i-let go ang kanyang virginity sa unang lalaking mamahalin siya.

Si Jake nga kaya ito?

For Veronica Velasco, the director, however, what would even prove more interesting about Tuhog is when three of its characters (‘di namin babanggitin ang kanilang mga name) ay tuhug-tuhog na mata­tagpuan ang sarili when the bus they are riding meet an accident.

And here’s the rub, wika nga, ang paghiwa-hiwalayin sila ay posibleng maging kamatayan ng isa sa kanila.

Tuhog is earmarked for release on July 17.

Gov. Vi birthday wish na ang apo

Guess kung ano raw ang pinakamimithi ni Batangas Governor Vilma Santos on her 60th birthday in November?

Well, ang magkaroon ng apo.

Kung sabagay, halos lahat ng nakasabayan ni Gov. Vi sa showbiz maliban, of course, kay Tirso Cruz III na wala pang nag-aasawa sa kanyang tatlong anak, ay may mga anak na nagbigay na sa kanila ng apo.

To name two, sina Nora Aunor at Edgar ‘‘Bobot’’ Mortiz.

Ilan na ba ang anak ni Lotlot de Leon? Si Lotlot nga, dalaga na ang panganay na si Janine.

In the case of TV director/producer, Bobot, tatlo na sa kanilang mga anak ni Millet (nee Santos) ang nagbigay sa kanila ng apo.

’Nga pala, is Luis Manzano, panganay sa two sons ni Gov. Vi (the other one is 17-year-old Ryan), listening kaya?

What about Jennylyn Mercado, his current love life?

BAKIT NAGALIT

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BOBOT

ENCHONG DEE

EUGENE DOMINGO

FOR VERONICA VELASCO

GANUN

JENNYLYN MERCADO

TUHOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with