MANILA, Philippines - Nabigla si Baron Geisler sa desiyon ng korte sa kaso niyang acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ni Patrizha Martinez na anak nina William at Yayo Aguila.
Ilang taon na ring naganap ang reklamong pambabastos na iyon ni Patrizha at kamakailan lang ay ibinaba na ni Judge Barbara Hernandez-Briones ng Branch 61 ng Makati-Regional Trial Court ang desisyon ng korte. Guilty as charged si Geisler. Anim na buwan hanggang dalawang taon ang hatol na pagkakakulong sa kanya at kailangan pa siyang magbayad ng P30,000 for moral damages.
Si Atty. Carlo Alentajan ang nag-represent para kay Baron na nasa Cebu nung araw na iyon dahil sa isang indie film. Ayon sa kanyang abogado, nag-apela sila sa Court of Appeals.
Samantala, masaya naman si Patrizha sa naging hatol ng korte. Kasama niya sa korte ang Mommy Yayo na ang lakas ng nerbiyos nung araw na iyon. Hindi nakadalo si William na atat na atat mapakulong si Baron.
John Lapus ang daming bayarin, kailangan ng trabaho
Magsasama sa isang show sa Music Meseum sa Agosto 2 at 3 sina BB Gandanghari at John “Sweet†Lapus. Producer nila si Pops Fernandez. Bakit siya nag-produce para sa dalawa?
“Natatawa ako ’pag naririnig ko silang nagkukuwentuhang dalawa. So, naisip ko, bakit hindi na lang nila patawanin ang madlang pipol? ’Yun ang dahilan kung bakit ko sila prinodyus ng show,†rason ng Concert Queen.
Hindi magpapatalbugan ang dalawa sa stage. First time ni BB na makasama ang isang bading sa stage at okay naman sa kanya. Ibang-iba ito sa stageplay niya kamakailan, ang Halik ng Tarantula na seryoso at puro macho ang kasama.
“Type ko ang show na ganito, relaks lang ako at kaibigan ko pa makakasama ko,†sabi ni BB.
Sabi naman ni Sweet, “Gusto ko ang concept ng show. May chemistry naman kami ni Rustom (Padilla), este ni BB. Yes, hindi kami magpapatalbugan dahil pantay naman ang exposure namin dito. Watch na lang kayo sa Music Museum.â€
Mas kailangan ni Sweet ang raket dahil marami siyang bayarin ngayon. Waiting pa siya sa dalawang shows na ibibigay sa kanya ng Dos.