Kris nagpapansin nga ba kay James?

Nabasa namin sa isang column na hanggang ngayon ay uhaw sa publicity si Kris Aquino. Ayaw daw tantanan ’yung issue ni James at gamit na gamit ang anak na si Bimby.

At may nag-comment naman na bakit si Phillip Salvador ay ikinukumpara pa kay James Yap? Siguro raw kaya hinayaan ni Phillip ang anak niyang si Joshua ay dahil mas may pera si Kris at can afford na palakihin nang maayos ang kanilang anak. May nagsasabi naman na kaya pinahihirapan ni Kris si James ay dahil may pagtingin pa rin ito sa dating asawa.

Daniel hindi nagbukas ng puso

Congratulations muna kay Daniel Fernando, ang vice governor ng lalawigang Bulacan na tinangkang agawin noon ni Phillip Salvador nang balakin niyang kumandidato rin. Eh matindi sa Bulacan itong si Daniel, tubong Guiguinto at kilalang lehitimo ang kanilang angkan. Thank God dahil nagbago ng isip si Phillip kasi parehong love namin sila at masasaktan kami sinuman ang matalo sa dalawa.

Si Daniel, tulad ni Ipe, ay tuloy pa rin sa pag-aartista at sa katunayan ay kasama siya sa malaking primetime drama series ng ABS-CBN, ang Muling Buksan ang Puso. Pawang mabibigat ang mga tampok na bituin ng nasabing teleserye. Si Daniel ang kasama sa tinatawag niyang second generation na kinabibilangan nina Agot Isidro, Cherrie Gil, Jestoni Alarcon, at Dominic Ochoa.

Ang hirap daw sa actor-politician na tanggihan ang isang napakagandang proyekto ng Dreamscape production kahit katatapos lang ng eleksiyon at simula na ng mga proyekto sa kanilang probinsiya. Paano raw siya tatanggi eh kasali rin sa mabigat na cast sina Pilar Pilapil, Susan Roces, at Dante Rivero? Sila ang first generation at ang third naman ay ang mga sikat na kabataan na sina Enchong Dee, Enrique Gil, at Julia Montes. Parang pelikula ang dating ng nasabing teleserye na direksiyon nina Manny Palo at Nuel Naval.

Mga Sireyna iisa ang tunog ng boses

Ang gaganda ng mga Tsuppatid sa pakontes ng Eat Bulaga na Sireyna. Wala kang itulak kabigin sa kanila. Mga flawless, makikinis, at mapuputi sila! At mga nagsipag-aral dahil magagaling sumagot sa mga tanong ng mga host na sina Pia Guanio, Allan K., Ruby Rodriguez, at Julia Clarete.

Pati mga kasuotan nila may class at talagang talented sila. Ang comment lang, bakit daw iisa ang tono ng boses nila? Kapag nagsalita, tonong bading na. Sana raw ay iba-iba ang tunog ng boses ’pag nagsasalita na.

Salamat…

Paki lang. Magpapasalamat ako kay katotong Ricky F. Lo, entertainment editor ng The Philippine Star at isa sa mga host sa Startalk sa GMA 7 sa kanyang mabuting puso.

God bless you. I will not stop praying for your success, health, kindness, at lahat ng magagandang bagay. Saludo ako sa ’yo! Alam mo na ’yun!

Show comments