Jake hindi nagpatalo kay Eugene

Bukod pala sa Tuhog ng Star Cinema at Skylight Films, the indie flick Lihis and, of course, the upcoming series Maria Mercedes, may lima pang projects na naka-line up for Jake Cuenca this year.

Ayaw tiyakin ng kanyang talent manager na si Neil de Guia, who co-manages him with Star Ma­gic, kung ang mga project na ito ay pang-pelikula o pang-TV. Basta raw let’s look forward to it.

With Tuhog, which will be shown in theaters nationwide, July 17, excited si Jake dahil tulad ng currently showing na blockbuster movie ng Star Cine­ma na Four Sisters and a Wedding, isa rin ito sa projects na prinodyus ng progresibong film firm for their grand celebration for their 20th anniversary.

Tuhog co-stars Jake with Eugene Domingo, Enchong Dee, Leo Martinez, at Empress.

Papel ng isang bus driver na umibig kay Eugene na siyang konduktora niya ang ginagampanan ni Jake. And for the first time raw, in a movie, mag-aalab ang mga eksena nila ni Eugene. Todo halikan to the max ang namagitan sa kanila.

Sa Tuhog daw, kinailangan din ni Jake na magpakitang-gilas sa pag-arte. Otherwise, katuwiran niya, may tendency siyang ma-overwhelm sa kahusayan ni Eugene. Natural lang daw na dapat kung hindi man niya ma-surpass ay ma-equal man lang niya ang kahusayang umarte ng kapareha.

And how would he assess his performance in Tuhog?

“So far, so good. I must say I delivered,” sagot ni Jake.

Isa sa dapat abangan sa pelikula ay nang tuhug-tuhog na natuklasan nina Enchong, Leo, at Eugene ang kanilang sarili nang maaksidenteng mabangga ni Jake ang bus na minamaneho.

Pangalawang offering itong Tuhog ng Skylight Films for 2013 after their big box-office movie Bromance starring Zanjoe Marudo.

Sa direksiyon ni Veronica Velasco, who is an award-winning director ng Cinemalaya, itong Tuhog.

In Lihis, ibang role naman ang ginagampanan ni Jake, isang gay who fell in love with another gay (Joem Bascon).

Ang problema lang, may asawa na siya, gina­gampanan ni Lovi Poe.

Sa direksiyon ito ni Joel Lamangan.

Equally interesting at challenging din ang role na ginagampanan ni Jake sa Maria Mercedes which teams him up with Star Magic talent Jessy Mendiola.

A Mexican novel na na-adopt into a Tagalog tele­serye, alam ni Jake na ang role na gagampanan niya sa series is that of Fernando Jose, a Mexican actor na hinahangaan ng kanyang mga kababayan.

Jessy plays naman the part na ginagampanan ni Thalia, a Mexican superstar in her time. She is now married to an American recording magnate.

Also in Maria Mercedes is Jason Abalos.

Jake’s supposed romance with Lovi, his leading lady in Lihis, itinanggi niya (at ni Lovi rin) na committed na sila sa isa’t isa. Pero ’di rin daw ito nangu­nguhulugan na ’di sila close sa isa’t isa. Because they are daw.

Right now, both Jake and Lovi disclosed they are loveless.

 

 

Show comments