Mel Martinez ala-Maricel ang acting sa gay film

MANILA, Philippines - Napanood namin ang premiere night ng Kapit sa Patalim sa SM Megamall kamakailan. 

Ibang-iba ito sa pelikula na pareho rin ang pamagat na ginawa ni Lino Brocka noong ’80s. Si Lao Mira ang direktor ngayon ng Kapit sa Patalim na tumatalakay sa buhay ng isang lalaki na iniwan ng asawa (Marvin Yap) na na-in love sa gay na si Mel Martinez.

Na-impress kami sa acting ni Melissa Mendez bilang nanay ng dalawang lalaki na nagtutunggalian. Gay movie ito pero may suspense dahil may serial killer dito.  Sino nga kaya ang murderer kina Marvin at Aldrico Padilla?

Nakakakiliti at talagang pinapalakpakan ng mga manonood ang sweet moments at kissing scenes nina Mel at Marvin. Tipong Maricel Soriano (half-sister) raw ang acting ni Mel sa indie film. Pang-award na kaya ito, Mel?                                    

Show comments