Richard itinanggi ang dyombagan nila ng kapatid na si Ritchie Paul
MANILA, Philippines - Mabibigyan na ng oras ni Richard Gutierrez ang mga business na itinayo niya bukod sa isang gym center sa Ortigas.
May itatayo pa siyang lounge kung saan makakasosyo niya ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond Gutierrez.
Nakausap ng press si Chard matapos siyang pumasyal sa UE-Recto para sa movie nilang My Lady Boss ni Marian Rivera. At natuwa siya na Graded B ng Cinema Evaluation Board at sa magandang feedbacks sa nakapanood sa pelikula nila.
“Ngayong wala na akong kontrata sa GMA, maasikaso ko na ang business ko. Hindi na ako nakakadalaw sa establishments na itinayo namin. May gym ako. Tapos nagtayo kami ng restaurant at bar sa Greenbelt, ‘yung Dillinger’s at Prohibition. ‘Yung Dillinger’s, steak house and bar at ‘yung Prohibition ay club. Lounge,†pahayag ni Chard.
“Then we’re working on another lounge and restaurant. Sa 71st floor. Highest bar in the Philippines. Sa Makati ‘yon,†dagdag pa niya.
Siyanga pala, ano ‘yung tsismis na may gulo raw na nangyari sa kanila ng bunso niyang kapatid na si Ritchie Paul?
“Hindi, wala ‘yon, Away-kapatid lang ‘yon. Tampo lang ‘yon,†saad niya.
Dyinombag talaga niya si Ritchie Paul?
“Hindi! Ha! Ha! Ha!†denay ni Chard.
Love na love niya si Ritchie Paul, ‘di ba?
“Oo at saka wala ‘yon,†ulit niya.
Nakunan daw sila na inaawat?
“Wala ‘yon. Naglalambingan lang kami! Ha! Ha! Ha!†rason ni Richard.
Ganoon ba sila maglambingan?
“Oo! Wrestling! Ha! Ha! Ha!†diin ni Chard.
“Naghaharutan lang kami noon,†dugtong niya.
Normal lang ‘yon?
“Ha! Ha! Ha!’ tawa lang niya.
So hindi niya dyinombag, huh!
“Hindi! Hindi!†diin ni Chard na hindi na nagbigay ng detalye pa.
Mga anak ni Benjie, sinaway na ng ama sa pagmamaldito
Nakasama ang paglabas sa telebisyon ng magkapatid na Andre at Kobe Paras. Ang chika ay ayaw na silang pag-artistahin ng ama na si Benjie Paras, huh!
Eh sa dumedepensa sa magkapatid, traumatic naman daw talaga ang naranasan ng dalawa minsang makasama ang ina na si Jackie ForsÂter sa bakasyon. Matatagalan daw marahil bago mawala sa utak ng magkapatid ang pangyayaring ‘yon.
Pero sa panig naman daw ni Benjie, pinaaalahanan niya ang mga anak na sa bandang huli ay ina pa rin nila si Jackie.
- Latest