Hindi pa man napapanood ang bagong indie movie ni Nora Aunor na may pamagat na Ang Kuwento ni Mabuti para sa entry ng CineFilipino ng TV5 ay may ginagawa na agad si Direk Mes de Guzman para sa Superstar na siyang director din ng nasabing indie film ni Ate Guy.
Request daw kasi ni Ate Guy kay Direk Mes na gawan siya ng kuwento na bida-kontrabida ang dating. Isang challenge naman ito kay Direk Mes na sumulat ng istorya para sa award-winning actress na tulad ng Superstar natin.
Ganun na lang ang respeto at paghanga ni Direk Mes kay Ate Guy dahil sa tagal na rin nito sa industriya kaya privileged siya na habang ginagawa nila ang pelikulang Ang Kuwento ni Mabuti ay pinakinggan niya ang mga suggestion at input ng aktres.
Samantala, tinapos na ni Direk Mes ang pag-edit ng indie movie ng Ang Kuwento ni Mabuti at hindi na niya nahintay nang magkasakit ang kanyang editor na kahit alas-tres ng madaling araw ay inayos niya ang film editing.
Kasama ang iba pang tampok na movie entries ng CineFilipino, Ang Kuwento ni Mabuti na may movie screening sa June 26 hanggang July 2 ay mapapanood sa Gateway Cineplex ng Araneta Center at Ali Mall Cinema, Cubao, Quezon City at maging sa Newport Cinema sa Resorts World Manila sa Pasay City.
Barbie binagayan sa pagka-babaeng bakla
Bumagay kay Barbie Forteza ang role niyang babaeng bakla sa teledrama ng GMA 7 na Anna KareNina. Mas lalo pang nagmukhang natural ang kanyang akting sa batuhan nina Maureen Larrazabal na kuwela rin sa kanyang pag-arte. Mag-ina ang kanilang role sa madramang teleserye.
At least, for a change, ay naiba naman ang atake sa akting ni Barbie. Siya ang nagsisilbing patawa sa teleserye.