Aktres nasira ang mood sa maling ilaw, hindi na nakaiyak

Nasasaid din pala ang luha ng isang crayola queen.

Halos bumaha na sa luha ang aktres sa kanyang pag-iyak sa isang madulang eksena, biglang sumigaw ng cut si Direk.

Napansin pala niya mali ang ilaw. Sinigawan niya ang lighting director upang ayusin ang lahat.

Siyempre medyo matagal ang panibagong set-up. Nang masiyahan na sa mga ilaw, nag-resume ang taping, pinangalngal muli ang aktres pero tila naubusan na siya ng luha at hindi maiyak.

Well, sina Direk naman ang naghintay upang bumalik sa crying mood ang aktres.

MMFF 2013 maka-lalaki!

Isa-isahin natin ang official entries sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) at malalaman na lahat ng walong pe­likula ay pawang mga kalalakihan ang bida at magdadala.

Nandyan ang 10,000 Hours topbilled by Robin Padila. Headliner naman ang kanyang pamangkin na si Daniel Padilla sa Pagpag. Ang gaganap ng title role sa San Pedro Calungsod, si JM de Guzman.

Siyempre si Sen. Bong Revilla, Jr. ang My Super Kap. Si Richard Yap ang latest heartthrob na minamahal sa Be Careful With My Heart. Si Vice Ganda, na kahit baklesh ay lalaki pa rin, ang inaasahang magbabangon sa career ni Maricel Soriano sa Boy, Girl, Bakla, Tomboy.

Sina Vic Sotto at Bimby ang mga main attraction sa Torky and My Little Bossing with Ryzza Mae Dizon supporting.

Kahit isa, walang entry na masasabing sa babae iikot ang kuwento, o kaya’y ang kababaihan ang magdadala ng pelikula.

It is still a man’s world, kahit sa MMFF!

Kris dadaigin ang power ni Harry Potter!

Kahit sabihin pang totoo ang naging pahayag ni Kris Aquino noon na cameo role lang ang gagampanan niya sa Torky and My Little Bossing malaking come on pa rin siya sa comedy flick.

Just the name Kris alone spells more magical power at the tills than the sorcerer’s wand of Harry Potter!

Just wait and see sa Kapaskuhan sa pag-arangkada ng 2013 MMFF.

Bromance sa dalawang aktor ibang level na?!

Ang matinee idol at kanyang barkadang poging newcomer ang pinaghihinalaan ngayon na may romansa. Hindi ko pa naman nakikita na may mga kuhang litrato ang dalawa na very revealing. Sana they were not in their birthday suits!

 Ang giit naman ng kanilang mga close friend, talagang sincere friendship lang ang namamagitan sa dalawang handsome guys (we hope not gays). Tunay na walang halong malisya ang kanilang relasyon. Maniwala naman tayo at the moment, please. Kung makita na natin ang mga kuha na they are doing something very intimate in bed, o kaya’y may maglabas ng M2M video nila, well, wala na talagang kaduda-duda.

GMA execs walang balak i-revive ang That’s sa SAS

Kahit isa sa mga consultant si German “Kuya Germs” Moreno sa bagong Sunday noontime show ng GMA 7 na Sunday All Stars, nagpaliwang ang mga taga-network na hindi ito kinopya sa dati nilang talent search/training na That’s Entertainment.

Say ng mga top executive ng network, ibang-iba ang mga portion ng Sunday All Stars at wala silang balak na i-revive ang dating afternoon show.

Gloria nanghihinayang tumanggi sa mga offer

Ms. Gloria Romero will be celebrating her 80th birthday this December but she is still a most in-demand actress.

Kahit gusto na niya, pati ang kanyang daughter and grandson, na mag-relax lang sa buhay, good roles keep coming. Nanghihinayang naman siyang tanggihan ang mga new challenge sa kanyang career.

Siyempre hahanap-hanapin niya ang mga ilaw at kamera kahit tuloy ang pagiging busy, nilimitahan na lang niya ang taping hours. Kahit sinong producer o network ang kumuha sa kanya, alam nilang lahat na hanggang one a.m. lang maaring magtrabaho ang most durable movie queen.

OTJ makakiki-compete sa South Korea filmfest

Pasok sa competition proper ng Puchon International Film Festival sa South Korea ang On the Job ni Erik Matti.

Isa pang Pinoy film, Buog, ang nasa short film category contest.

The said International Fantastic Film Festival will be on July 18-28.

Show comments