Derrick hindi sanay mag-seryoso

MANILA, Philippines - Kapana-panabik ang mga eksena ngayon sa teleseryeng Anna KareNina ng GMA 7 dahil kanya-kanyang eksena ang tatlong bidang sina Krystal Reyes, Joyce Ching, at Barbie Forteza para patunayan sa kanilang lolo (Juan Rodrigo) at lola (Sandy Andolong) kung sino  ba talaga ang tunay na apo ng mga Monteclaro. Iba-iba ang atake nila at lahat sila ay agaw-eksena dahil magagaling ang mga batang bida.

Samantala, isang malaking hamon naman para sa young actor na si Derrick Monasterio ang role niya bilang Aldrin dito sa Anna KareNina. Masyadong seryoso daw kasi sa buhay si Aldrin, isang katangian na malayo sa kanyang totoong personality.

“Sa totoo lang mahirap po siya kasi wala akong experience sa mga business meeting, mga ganun. Hindi ko pa po alam, parang I’m too young for that, kaya medyo mahirap talaga. At saka English (speaking) kasi siya!” sagot ni Derrick.

Wala ring problema na sila na naman ni Barbie ang magkatambal sa soap. In fact, he considers it as an advantage.

 Say niya, “Masaya naman ako kasi si Barbie pa rin (ang partner ko). At least kahit paano hindi na ako mag-a-adjust sa ibang ka-love team.”

The series will also show a more mature DerBie, “’Yung Paroa po kasi medyo pang teenager. Ito medyo seryoso. ’Yung pagsasama namin dito hindi ganun ka-playful.

 

Show comments