^

Pang Movies

Sarah Lahbati nasa ‘Pinas?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi kumpirmado ang balita na naririto sa bansa si Sarah Lahbati dahil kung bumalik siya nang Pili­pinas, siguradong malalaman ng mga immigration official. Walang puwedeng ilihim sa mga reporter na naka-duty sa NAIA dahil knows nila ang mga kilalang personalidad na umaalis at bumabalik ng bansa.

Saka, nag-post si Sarah ng litrato ng hailstorm sa Switzerland. Ang ibig sabihin, naiwan siya doon ni Richard Gutierrez. Anytime, puwedeng bumalik ng bansa si Sarah, kesehodang may warrant of arrest siya.

Hindi makukulong si Sarah, basta makapagpiyansa ito sa korte.

Chariz baby boy ang magiging panganay

Baby boy ang ipinagbubuntis ni Chariz Solomon at may pangalan na sila ng kanyang asawa para sa kanilang panganay.

Apollo ang name na pinili nina Chariz at Nestor Ng, Jr. para sa bagets na masuwerte dahil mababait ang kanyang mga magulang. Hindi pa nagkukuwento si Chariz kaya hindi pa alam kung bakit gusto nila ni Nestor ang pa­ngalan na Apollo.

Maganda ang pagbubuntis ni Chariz dahil hindi pa siya tumataba nang husto. Hindi mo iisipin na buntis siya dahil maliit ang kanyang tiyan. Mukhang hindi masyadong magbabago ang itsura ni Chariz dahil manipis ang katawan niya, kahit noong dalaga pa siya.

AiAi tameme sa kaso nila ni Jed

Nakunan ng Startalk ang pagpunta sa Amerika ni AiAi delas Alas at ng kanyang anak na si Sancho. Umalis ang mag-ina noong Miyerkules nang gabi at natiyempuhan sila ng Startalk crew sa NAIA. Nagpainterbyu si AiAi pero hindi siya nagsalita tungkol sa kaso nila ni Jed Salang dahil sa gag order ng judge ng Quezon City Regional Trial Court Branch 94.

Mapapanood ngayong hapon sa Startalk ang exclusive interview kay AiAi.

Marian puring-puring lady boss si mother

May mall show ngayong hapon sa SM Bacoor City ang cast ng My Lady Boss. Pangungunahan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera ang mall show na sigu­radong dudumugin ng mga tao na excited na makita nang personal ang dalawa.

Sa tunay na buhay, si Mother Lily Monteverde ang lady boss nina Richard at Ma­rian dahil co-producer siya ng My Lady Boss. May kontrata rin sa Regal Films sina Richard at Marian na nag-dialogue na mahusay na lady boss si Mother. Sinabi ni Marian na good lady boss si Mother, bago sila nagkabati sa presscon ng My Lady Boss noong Huwebes.

Uploaded na sa Youtube ang Burgos, ang unang indie movie ni Lorna Tolentino. Marami ang nagkagusto sa tahimik at magandang trailer ng Burgos. Nadagdagan ang excitement nila na mapanood ang pelikula na ipalalabas sa susunod na buwan sa Cine­malaya Independent Film Festival.

Si Joel Lamangan ang direktor ng Burgos. For­te niya ang mga pelikula na may kinalaman sa pulitika kaya sure ako na hahakot ng awards ang Burgos.

vuukle comment

BACOOR CITY

BURGOS

CHARIZ

DAHIL

MY LADY BOSS

RICHARD GUTIERREZ

SIYA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with