WilBea, certified blockbuster cuties!
“Blockbuster Cuties” ang bagong title ngayon nina Bea Binene at Wilbert Ross dahil kumita ang first movie nila na Pee Mak.
Ang latest box office update ng gross ng movie ay P40 million at dahil sa magandang review, madadagdagan pa ang box office gross ng Viva Films movie.
Magkasamang pinasalamatan nina Bea at Wilbert ang lahat ng sumuporta sa Pee Mak, sa mga nagpa-block screening at sa paulit-ulit na nanonood dahil nagustuhan ang pelikula. May mga clip from the movie kaming napanood na walang tigil ang tawanan ng moviegoers habang nanonood.
Siguradong kabilang sa nagpatawa sa moviegoers ang mga eksena nina Vandolph, TJ Valderrama at Gian Bernardino. Ginulat kami ni Gian, hindi lang pala magaling na singer-performer ang Cup of Joe lead vocalist, mahusay rin siyang magpatawa.
Siguradong may kasunod na pelikula ang WilBea love team nina Wilbert at Bea, pasasalamat na rin nila sa fans na tinupad ang ipinangako na gagawin nilang blockbuster ang movie.
Samantala, may international screenings ang Pee Mak, magsisimula sa Oct. 29 sa UAE at Qatar at Oct. 30 sa San Francisco at Los Angeles sa California. May mga request na screenings sa Australia, Singapore, Hawaii at Europe na pagbibigyan naman siguro ng Viva Films.
Klea, may pa-bike sa anak ni Janella!
Bongga ang birthday gift ni Klea Pineda kay Jude, ang anak ng karelasyon niyang si Janella Salvador. Special ang birthday gift ni Klea na isang compact children’s ride-on vehicle o Mini ATV at ang tawag pa ay kid’s quad bike.
Nagulat nga raw si Jude nang matanggap ito. Isa si Klea sa bisita at nagpasaya sa birthday party ni Jude na six years old na.
May heartwarming birthday message naman si Janella sa anak. “6 yeras of life getting a little bit better every single day, just because you’re in it.”
In fairness, ang tagal na ng relasyon nina Klea at Janella at makikitang tanggap ng una ang anak ng huli. Nagkakaintindihan sila at nagmamahalan at wish ng kanilang friends, maging forever na ang kanilang relasyon.
- Latest
























