Parang na-OA-han na ang home viewers kina Serena at Rebecca nang patapos na ang TV series na Apoy sa Dagat ng ABS-CBN. Iyon ang dalawang katauhan ng magaling na aktres na si Angelica Panganiban. Hindi ang dalawang katauhan ang overacting kundi ang mismong may-ari ng katawan na si Angelica.
Puwede naman daw na magka-cry siya pero ’wag namang OA ang dating kasi napakagaling na niyang artista kahit noong child star pa lamang siya. Cry nang cry siya sa mga episode na ayaw daw itama ’yung ginagawa niya sa sitwasyon.
MMJ may kinabukasan sa musika
May future itong talent ng Vicor Music na Magno twins o MMJ, mga kabataan pa, guwapo, at matagal na silang kumakanta na lahat ay original composition nila. Ang carrier single na Daleng-Dale ay mula sa debut album na MMJ. Ang iba pang kanta nila ay Humahampas, Love Me Tonight, Kesong Pag-ibig, at Walang Hanggan.
Excited ang Magno twins sa album dahil dininig daw ni Lord Jesus ang mga dasal nila na magbunga ang kanilang paghihintay at pag-asam.