^

Pang Movies

Gerald mas mahal si Maja kesa kay Kim noong sila pa!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Lalong nagiging matindi ang relasyong Gerald Anderson at Maja Salvador. Kaya, susog ng nagbalita nito sa amin, ‘‘Eat your heart out, Kim (Chiu) dahil mukhang wala nang pag-asang mawi-win back mo si Gerald.’’

’Di nga ba at minsang nag-guest si Maja sa ASAP 18 for her 10th anniversary, isang life-size bouquet ng kanyang paboritong bulaklak ang bigay sa kanya ni Gerald? In his speech dedicated kay Maja, ipina­ngako ni Gerald na ’di niya pababayaan ang aktres. Na ipagtatanggol niya sa kahit anong intrigang posib­leng sabakan ni Maja.

No wonder na, in return, sabi naman ni Maja, ‘‘Gerald is worth fighting for.’’

Never din napabalitang inimbitahan ni Gerald si Kim in an out-of-town trip noong sila pa. Samantalang si Maja, they were together ng actor boyfriend in Surigao del Sur where they both participated in a fun run event doon.

Then when Gerald went on basketball tournament sa Singapore, wala sa mga kasamahan niya na nakakaalam na kasama niya si Maja. Yet, bago sila bumalik ng Pilipinas, magkasama na nilang na-explore ang Singapore.

Ah, pag-ibig!

Janice nadaan sa takot ni Direk Mario kaya natutong umiyak

Kuwento ni Janice de Belen, noong bata pa siya at gumaganap bilang bida sa Flordeluna ay hirap siyang umiyak. She grew up in a happy home raw kasi at palibhasa ay dalawa lang silang magkapatid ni Gelli (de Belen) at parehong babae pa kaya magkasundung-magkasundo sila.

Kaya wala nga namang dahilan para maging iya­kin siya. Pero sa Flordeluna nga ay maraming ekse­nang kailangan niyang umiyak. Humagulgol pa nga.

Heto na ang siste. Minsan daw pinaiiyak siya ng kanilang direktor na si Mario O’Hara sa isang madramang eksena, wala raw talagang tumulong luha sa kanyang mga mata. Gaano man ang pagmo-motivate sa kanya ng assistant director.

Dito na raw pumasok sa eksena si Direk Mario. Nakatutok ang hintuturo ng isang kamay nito sa kanyang mukha, galit na galit na tanong nito sa kanya, “’Di ka ba talaga puwedeng umiyak?’’

‘‘Siguro sa takot ko kay Direk Mario, napansin ko na lang ang sariling umiiyak. Panay na ang tulo ng aking luha.

‘‘Saka narinig kong sigaw ni Direk Mario, ‘O, camera roll.’ Sabi ko sa sarili ko I will learn how to cry para ’di ako makagalitan ng aking direktor,’’ kuwento ni Janice sa nakaraan niya bilang child star.

No doubt na today, Janice is one of the most effective drama actresses. Katatapos lang niya ng top-rating series na Ina, Kapatid, Anak.

She is seen hosting, too, the talk program SIR (Showbiz Inside Report) every Saturday with Carmina Villarroel, Ogie Diaz, and Joey Marquez.

Jodi naghihintay pa rin sa annulment nila ng dating asawa

Samantala, while in their morning top series Be Careful With My Heart on ABS-CBN ay umiibig na sa isa’t isa sina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap), in real life never silang magkaka-inlaban. After all, we all know kung kanino tumitibok ang puso ni Jodi sa kasalukuyan. In the case of Ser Chief, hindi niya ipinagkakailang happily married siya with two daughters bago pa nag-showbiz.

In the last elections, Jodi openly campaigned for boyfriend Jolo Revilla, in his bid for vice governor ng Cavite kahit pa ang kalaban ay dati niyang bayaw, ang kapatid ng kanyang estranged husband na si Pampi Lacson.

As in common knowledge, Jodi and Pampi has a son. May anak din si Jolo sa dating girlfriend na si Grace Adriano, anak ni Rosanna Roces, seven-year-old Gab.

Heard that the sweethearts are just waiting for Jodi’s marriage to Pampi be annulled and they will get married na.

Meanwhile, ang tanong: When Jolo takes his office as vice governor will Jodi stand by his side?

Wow na wow, ’pag nagkataon.

 

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

BELEN

CARMINA VILLARROEL

DIREK MARIO

FLORDELUNA

JANICE

JODI

MAJA

SER CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with