^

Pang Movies

Bea kinokontrata nang wedding singer si Toni

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Naging close sina Toni Gonzaga at Bea Alonzo nang gawin ang Four Sisters and a Wedding. Katunayan, kahit hindi pa nagpo-propose si Zanjoe Marudo ay sinabihan na ng aktres si Toni na gusto niyang kunin ang co-star sa kanilang kasal ng actor-boyfriend.

Inamin naman ni Bea na kung may lalaking gusto niyang makasama habang buhay ito’y walang iba kundi si Zanjoe na talaga. Si Bea rin ang gusto ng aktor na maging ina ng kanyang magiging mga anak.

Pero hindi pa handang magpakasal si Bea dahil gusto nilang mag-ipon muna kaya priority pa ang career.

Shaina ipinahinga muna ang puso

Positive ang aura ni Shaina Magdayao sa presscon ng Four Sisters and a Wedding. May nagtanong kung hindi ba siya apektado pagdating sa billing dahil hindi nito kahanay ang mga pangalan nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, at Angel Locsin gayung isa rin siya sa bida ng pelikula. Nakalagay ang name niya sa ibaba kapantay si Enchong Dee.

Katuwiran ng aktres, hindi na mahalaga sa kanya kung saan man siya ilagay. Ang mahalaga ay kasama siya sa nasabing pelikula at hindi naman siya pinababayaan ng kanyang home studio dahil may ASAP 18 at Juan dela Cruz siya.

Naka-relate ang magandang aktres sa kanyang role dahil siya ang bunso sa magkakapatid at bunso rin siya sa tunay na buhay. Bilang bunso, malaki ang respeto niya sa kanyang mga Ate Vina Morales at Sheila Moreno at sumusunod sa mga nakatatandang kapatid.

Kumusta naman ang kanyang love life ngayon?

‘‘May mga nagpaparamdam naman pero pahinga muna ako sa love life. Puro trabaho ang inaatupag ko ngayon. Naniniwala ako na kusang darating ang pag-ibig sa tamang panahon,’’ sabi ng young actress.

Nagkita na sila ng ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz pero hindi sila nag-usap.

‘‘Hindi na kailangang mag-usap pa kami. Baka isipin niya na gagamitin ko sila para sa promosyon ng pelikula. Ang mahalaga ay masaya na ako at naka-move-on na,’’ pahayag ng aktres.

Para kay Shaina ay magandang panoorin ang Four Sisters and a Wedding. Memorable ang pelikula dahil may nabuong friendship sa kanila nina Toni at Angel. Si Bea naman ang itinuturing niyang best friend.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ATE VINA MORALES

BEA

BEA ALONZO

FOUR SISTERS

SI BEA

SIYA

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with