Aalis pala si AiAi delas Alas ulit patuÂngong US pero this time ang gagawin naman niya ay dadalawin ang kanyang mga anak na sina Sean Nicolo at Sofia na nasa pangangalaÂga naman ng kanilang ama, ang kanyang daÂting asawang si Miguel Vera. Kasamang aalis ni AiAi ang kanyang anak na si Sancho.
Palagay namin, makakatulong talaga kay AiAi ang umalis muna pagkatapos ng mga gulong kanyang kinasangkutan. Anuman ang sabihin ninyo, ang lahat nang iyon ay naging dagok na naman sa buhay ng Concert Comedy Queen. Nangyari na naman ang isang bagay na hindi niya inaasahan.
Hindi pa natatagalan ay naging saksi pa ang kanyang mga anak, pati na rin ang dating asawang si Miguel Vera, nang pakasalan niya sa Las Vegas, Nevada ang lalaking inaakala niyang makakasama na niya habang buhay. Pero matapos lamang ang isang buwan, nagkahiwalay na rin sila at naging magulo pa ang kanilang paghihiwalay dahil nagkaroon pa ng bugbugan at kaladkaran.
Nakapagharap na rin naman ng demanda si AiAi laban sa kanyang asawa at saka baka titingnan na rin naman niya kung ano nga ba ang nangyaring kasal sa kanila sa Las Vegas.
Sa pagkakaalam namin, hindi legal na kasal iyon dahil out of jurisdiction nga dahil pareho naman sila ng lalaki na residente ng Pilipinas kaya talagang walang jurisdiction sa kanila kung sinuman ang nagkasal sa kanilang dalawa. Isa pa, hindi naman reported iyon sa ating embahada sa Washington, kaya hindi rin nakarating sa civil registrar natin dito sa Maynila. Balewala ang kanilang kasal sa Las Vegas kaya hindi na dapat na ‘yun dapat ipag-alala ni AiAi.
Wala silang conjugal property. Hindi man sila nagkapirmahan ng pre-nuptial agreement dahil maaaring sabihin na hindi naman consumated ang kanilang kasal dahil iisang buwan nga silang nagsama at hindi naman nagkaroon ng anak.
Matagal na naging direktor ni Nora sumakabilang buhay na
Iniwan na tayo ng isang mahusay na direktor sa telebisyon, si Randy Rufino. Isa si Randy sa mga pambatong direktor noong araw ng RPN 9. Matagal din naman siyang naging direktor ng daÂting Superstar na si Nora Aunor sa kanyang musical show. Bukod doon ay maraming iba pang shows na ginawa si Randy na siya rin ang producer.
Hanggang nito ngang mga isang taon na ang nakararaan, madalas namin siyang kakuwentuhan sa isang istambayan namin, at ang gusto niya ay makagawa ng mga religious program. Gusto pa nga niyang maibalik ang dati niyang ginagawang live telecast ng simbang gabi.
Hindi na inabot ng mga baguhan ang kanyang kapanahunan pero may panahong si Randy ang tinatawag na ninong ng mga movie press photographer dahil sa ginagawa niyang suporta sa kanila. Alam namin kung nasaan ngayon si Randy. Doon ay wala na siyang problema at mayroon na siyang lubos na kapayapaan.
Requiem aeternam donais Domine, et lux perpetua luceat eis requiescant in pace. May he rest in peace and enjoy the beatific vision of God. Alam naming doon naroroon ngayon ang kaibigan naming si Randy. Sana matulungan niya tayong maidirek ang ating buhay para makasama natin siya pagdating ng araw.