Totoo kaya ang balitang nag-walkout ang isang drama actor dahil iniba na ang takbo ng istorya ng kanyang TV show?
Ayon sa aming source, nagulat na lang ang drama actor na biglang dalawa na silang lumalabas na leading man ng kasama nilang drama actress. Eh sa umpisa ng show ay sidekick lang ang isang actor pero ngayon ay ka-level na niya.
Hindi ito nagustuhan ng drama actor dahil hindi man lang siya na-inform sa pagbabago ng istorya.
Feeling niya ay binastos siya dahil sa pagkakaalam ng marami ay show niya iyon at ng kasama niyang aktres at hindi kasama ang dating sidekick niya.
Balita ngang magre-resign na sa show ang drama actor dahil nainis ito sa ginawa sa kanya. Nagpasabi na raw ito sa staff na hindi na siya darating sa susunod na taping dahil ayaw niya ng bastusan sa trabaho.
Joyce biglang humina ang loob
For the first time ay hindi kontrabida ang role ni Joyce Ching sa bagong primetime series ng GMA 7 na Anna Karenina.
Nakasanayan na kasing mapanood si Joyce sa mga kontrabida role tulad sa Endless Love, Ikaw Lang ang Mamahalin, at Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa. Ngayon naman, bilang si Nina Fuentebella sa Anna Karenina, ay mahina ang kanyang loob at parating malungkot dahil pakiramdam niya ay walang nagmamahal sa kanya.
“Adopted daughter ako rito nina Alicia Mayer at Allan Paule. Hindi sila nagpakita ng pagmamahal sa akin. Walang time sa akin ang adoptive mother ko at muntik pa akong gahasahin ng adoptive father ko.
“Kaya malaki ang takot ko sa mundo — sa ibang tao. Wala akong tiwala kahit kanino. Kaya ang panlaban ko na lang ay ang umiyak ako.
“Si Barbie Forteza ang super kontrabida rito as Karen. Siya ’yung mang-aaway sa amin ni Krystal Reyes who plays Anna. Aawayin niya kami kasi pagpipilitan niya na siya ang tunay na Anna Karenina Montecillo,†diin ni Joyce.
Partner dito ni Joyce si Hiro Peralta. Barkada ito ng kanyang real-life boyfriend na si Kristoffer Martin.
Indie actor umaasang matutulad kay Coco
Kabilang sa mga naghahangad na matulad sa narating ng Prince of Indie Films na si Coco Martin ay ang model turned indie actor na si Aldrico Lubaton.
Kilala sa Mindanao si Aldrico dahil isa siyang modelo roon at title holder na sa ilang mga male pageant. Laki siya sa South Cotabato at nabigyan siya ng pagkakataon na maging aktor sa pamamagitan ng indie film na Kapit sa Patalim. Produced ito ng EFB Films at mula ito sa direction ni Lauro Mira.
“Lahat naman siguro ng aktor na pumasok sa paggawa ng indie films ay idolo si Coco Martin. Siya kasi ’yung nag-angat ng level ng mga indie actor. Kita n’yo naman naging successful ang pagpasok niya sa mainstream at isang big star siya ngayon sa bakuran ng ABS-CBN.
“Wala namang masama sa mangarap, ’di ba? Ang importante ay ’yung may pangarap at may goal tayo sa buhay,†sabi ni Aldrico.
Ang co-stars ni Aldrico sa Kapit sa Patalim ay sina Mel Martinez, Melissa Mendez, Mel Kimura, at Marvin Yap.