^

Pang Movies

Sa sobrang saya ng buhay: Judy Ann nahihirapan nang umiyak

- Vinia Vivar - Pang-masa

Bagama’t may kabigatan ang tema ng bagong serye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala na tungkol sa battered wives and women empowerment, ayon sa aktres, ay hindi ito ang pinakamahirap na soap na nagawa niya.

“Actually, ang pinakamahirap ’yung magsuot ka ng tights (na costume) ng twenty six years old ka eh ’yung sa Krystala,” she said laughing. “’Yun ang pinakamahirap na talagang kinakapalan mo na ang mukha mo eh ’di ba?”

Dito sa Huwag Ka Lang Mawawala ay nag-aral pa ng martials arts si Juday para ipakita sa mga kababaihang nakakaranas ng kalupitan kung paano ipagtanggol ang sarili.

Pero, would you believe, ang talagang nahirapan siya talaga ay mga eksena ng iyakan? Tila nanganganay siya lalo pa nga’t more than two years siyang hindi umaarte.

“Sa bawat araw na nagte-taping ako, nagsisimula ako ng dasal kasi talagang hindi ko alam kung paano ko siya itatawid na hindi ako mukhang nanganganay.

“Pero sa totoong salita, noong first taping day namin, sobra akong takot na takot. Sobra akong kabadung-kabado. Nanganganay ako nang bonggang-bongga.

“Hanggang magkaroon ako ng eksenang breakdown scene na hindi ako makaiyak kasi masyado kang masaya. ’Yung hindi ka maiyak kasi hindi mo na alam kung saan ka huhugot ng lungkot. ’Yung parang ‘Bakit ako nahihirapan? Dati naman hindi ako nahihirapan.’ Ibig bang sabihin dati palagi akong malungkot? May ganun.

“Dati isang pitik lang, literal, nakakaiyak ako. Nakakapagpatulo ako ng luha. Ngayon, hirap na hirap ako kasi parang hindi ko na kayang i-detach ’yung sarili ko sa personal at sa propesyonal.

“Parang ngayon pa lang ulit ako nasasanay. Ngayon pa lang ulit ako nakaka­ba­lik with the help of our directors — Direk Jerry (Sineneng), Direk Malu (Sevilla), and Direk Tots (Sanchez-Mariscal). Talagang ang tinding pagbabago ang kailangan kong gawin kasi meron akong kailangang patunayan,” mahabang kuwento ni Juday.

Huling serye ng aktres na ginawa ay Habang May Buhay at pagkatapos niyang manganak, sa hosting job siya napasabak via Junior Master Chef and Pinoy Master Chef. Ito raw Huwag Ka Lang Mawawala ang talagang first acting job niya in a te­le­serye ulit after her last soap in 2010.

Magsisimula na sa June 17 ang bagong drama series sa primetime slot ng ABS-CBN.

Coco at Izzy magkasamang magsosorpresa

Tuluy-tuloy ang pag-init at paglaganap ng Juan dela Cruz fever sa buong sambayanan kaya naman isang Juan Fun Day muli ang ireregalo ng Teleserye Prince na si Coco Martin at bagong Kapamilya child wonder na si Izzy Canillo ngayong Linggo (Hunyo 2), 4:00 p.m., sa Market! Market! Activity Center sa Taguig City.

Samahan ang buong cast ng Juan dela Cruz at My Little Juan para sa isang hapon na punung-puno ng “Juan-derful” surprises at production numbers na espesyal nilang inihanda bilang pasasalamat sa hindi mapapantayang pagmamahal ng kanilang mga tagasubaybay.

Ang My Little Juan ay napapanood araw-araw, pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold at sa gabi naman after Ina, Kapatid, Anak napapanood ang Juan dela Cruz.

vuukle comment

ACTIVITY CENTER

AKO

ANG MY LITTLE JUAN

COCO MARTIN

CRUZ

DATI

DIREK JERRY

HUWAG KA LANG MAWAWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with