Aminado si Judy Ann Santos na noong una talaga ay hesitant si KC Concepcion na tanggapin ang role bilang kontrabida niya sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala. Say nga ng aktres, pinilit lang daw niya ang anak ng Megastar.
“Pinilit ko talaga siya,†natatawang sabi ni Juday. “Hindi, noong tinanggap niya ito, actually, hindi niya alam na ang role niya ay kontrabida. So, ako ang nagsabi sa kanya.â€
Ang dialogue raw niya kay KC ay “kontrabida kitaâ€. Deretsahan.
“Eh paano ko sasabihin? ‘Actually, hindi ka masyadong bida. Kontrabida ka.’ Alangan namang ganun. So, tapatin mo na, ‘Kontrabida ka,’†natatawa pa ring kuwento ni Juday.
Ang sagot lang ni KC sa kanya, “Eh ate kaya ko ba?â€
Ina-assure raw niya ang young actress na kaya nito ang role.
“Sabi ko sa kanya, ito ’yung pinaka-tamang panaÂhon at pinaka-tamang project para pumasok siya sa isang bagong karakter bilang isang kontrabida. Saka isa pa, hindi ba, parang sa panahon ngayon nire-reinvent mo rin ’yung ibibigay mong trabaho sa mga tao?
“So, ito ’yung perfect vehicle for KC Concepcion talaga. Swak na swak sa kanya and with this role masasabi kong aktres talaga siya rito,†papuri ni Juday.
Sa trailer nga ay ipinakitang may matindi silang sampalan ni KC kaya natanong si Juday kung totoo ba ang sampal niya.
“Hindi naman ako sumasampal nang hindi totoo,†mabilis niyang tugon.
Pero ang nakakatuwa, napunta ang usapan kay Piolo Pascual without mentioning the actor’s name. Medyo nasilip kasi ng press na may common denominator sila ni KC pagdating sa lalaking minahal dati.
“Sino naman ang nagsabi na nagmahal ako (kay Piolo)? Baka sila ang nagmahal. Nagkaroon ako ng kaibigan at hanggang ngayon naman kaibigan ko pa rin naman. . .ang lahat ng mga naka-love team ko, kasi friendly ako eh. I cheÂrish my friends,†dagdag pa niyang natatawa.
Anyway, magsisimula na ngayong June 17 ang Huwag Ka Lang Mawawala at kasama rin dito si Sam Milby na gumaganap bilang asawa ni Juday, John Estrada, Mylene Dizon, at marami pang iba.
Louise Abuel tago nang tago sa pinagkakautangan
Isang mahalagang kuwento tungkol sa pagharap sa problema ang ibabahagi ng award-winning fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym ngayong Sabado (Hunyo 1), pagkatapos ng Kapamilya Deal or No Deal sa espesyal na episode na pagbibidahan ng Kapamilya child wonder na si Louise Abuel.
Makakasama ni Louise sa Tago, Diego, Tago episode sina Dante Rivero, Valerie Concepcion, Joross Gamboa, James Blanco, Jojo Alejar, at Nico Antonio. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Raymond Diamzon at direksiyon ni Jon “Sponky†Villarin.