^

Pang Movies

Kaso ni Sarah Lahbati umakyat na sa husgado, korte maglalabas na ng warrant of arrest!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong linggo raw magbabakasyon ang GMA Films president na si Atty. Annette Gozon-Abrogar base sa kanyang Facebook account. Tutal naman naka-first round na siya ng kasong libelo na isinampa niya sa lumayas na girlfriend ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.

Matapos ang ilang buwan mula nung ireklamo niya sa Makati Fiscal’s office ang malisyosong tweet ni Sarah, isinampa na ni Assistant Prosecutor Torres Pena sa husgado ang information ng kaso. Kulang daw kasi ang ebidensiya ng young actress upang patunayan na in good faith ang tweet niyang ’yon.

Obvious naman na walang alam si Sarah na natuloy ang kaso niya dahil walang kinalaman sa problema niya ang tweets niya. Mas concerned pa nga siya sa mga biktima ng naganap na tornado sa Oklahoma City, huh!

Kahit nasa ibang bansa si Sarah, puwede nang mag-issue ang korte ng warrant of arrest. Kung hindi babalik, puwede ring magkaroon ng trial in absentia. Wala nga lang extradition treaty ang Pilipinas sa Switzerland kaya hindi magagawang pabalikin sa bansa ang aktres.

Sa developments na ito, kaabang-abang ang magiging reaction ni Richard once magtapos na ang kontrata niya sa GMA.

Sam naungusan na si Marian sa partial results ng botohan sa paseksihan

Ayaw sana ni Sam Pinto na maging issue sa kanila ni Marian Rivera kung sino sa kanila ang tatanghaling Sexiest Woman ng FHM. Pero malabong mangyari ’yon dahil as of Monday may unofficial partial results sa boto sa kanila dahil naungusan na ng isa sa female leads ng Indio ang dyowa ni Dingdong Dantes.

Sa totoo lang, simula nung Abril matapos maging cover ni Marian sa 150th issue ng men’s mag, consistent ang puwesto niya sa first place. Until na-dislodge siya nung Lunes ni Sam na nangunguna’t pumapa­ngalawa lang ang Primetime Queen ng GMA.

May tsismis ngang kinakarir ni Sam ang maging No. 1 uli. Pero itinanggi niya ’yon. Ang fans daw niya ang masigasig na iboto siya.

Well, it’s too early pa naman para magbunyi ang fans ni Sam na alam na mas maraming fans si Yan Yan kesa sa kanya! Aba, oras na para gumawa ng hakbang ang fans ni Marian upang malaglag uli sa second place si Sam.

Teka, ano ba ang mapapala nina Marian at Sam kung sino sa kanila ang tanghaling FHM’s sexiest woman?

vuukle comment

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ASSISTANT PROSECUTOR TORRES PENA

DINGDONG DANTES

MAKATI FISCAL

MARIAN RIVERA

NIYA

OKLAHOMA CITY

PERO

PRIMETIME QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with