Ngayon lang umiinit ang isyu na binitawan na ni Oprah Winfrey ang pamamahala sa showbiz career ni Charice eh lumang balita na ito.
Noong 2012 ko pa ibinalita dito sa PM at sa Pilipino Star Ngayon na tinabangan na sina Oprah at David Foster kay Charice at sa nanay nito.
Hindi sinabi ng kampo nina Oprah at David ang tunay na dahilan pero siguradong may kinalaman ang kanilang pasya sa attitude at pagbabagong anyo ni Charice na international artist ang dating kategorÂya pero bumabalik sa pagiging starlet dahil sa mga eskandalo sa buhay niya.
Hindi nag-iisa si Charice. Marami ang katulad niya na nakaranas ng sobrang kasikatan pero hindi kinaya ang stardom kaya naging has-been. No need para sabihin ang kanilang mga pangalan dahil magkukulang ang space ng PM.
Matagal na palang ginagawa AiAi inamin na ang pananakit ni Jed!
Nagsalita kahapon si AiAi delas Alas sa The Buzz tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa na si Jed Salang.
Understandable ang pagpapainterbyu ni AiAi sa The Buzz dahil manager niya si Boy Abunda.
Uulitin ko, hindi ako nagulat sa paghihiwalay ng magdyowa pero nagkamali ang prediction ko na tatapusin muna nila ang December 2013 bago sila mag-goodbye sa isa’t isa.
Natsismis na noon na sinasaktan ni Jed si AiAi pero nag-deny ang komedyana.
Hindi pa sila kasal noon ha? Ngayong hiwalay na talaga sila hindi ako magtataka kung aaminin na ni AiAi ang katotohanan dahil nawala na ang resÂpeto at pagmamahal niya kay Jed. Wala nang return of the Jed na magaganap sa buhay ni AiAi!
Villar at JV suportado ng pamilya sa kanilang proklamasyon
Congrats kay senator-elect Cynthia Villar. Sa wakas ay naiproklama na si Mama Cynthia ng COMELEC noong Sabado ng gabi.
Umapir din sa proclamation sina Sen. Koko Pimentel at senator-elect Nancy Binay dahil tapos na ang pagbibilang ng COMELEC.
Kasama ni Mama Cynthia sa kanyang proclamation si Sen. Manny Villar at ang kanilang mga anak.
Naroroon din sina Manila City mayor-elect Joseph Estrada at si San Juan Mayor Guia Gomez dahil ipiÂnoroklama rin ng COMELEC ang solong anak nila, si senator-elect JV Ejercito.
Live na ipinakita sa TV ang proclamation ng mga nanalong kumumpleto sa Magic 12 ng Senado.
Congrats sa lahat ng mga nanalo!
Dahil senador na si Papa JV, dalawang Ejercito na sila sa Senado, siya at ang kanyang half-brother na si Sen. Jinggoy Estrada.
Nagkita kami ni Papa Jinggoy noong Sabado. Ang sabi niya, magpapatawag siya ng victory party para kay Papa Erap dahil sa tagumpay nito sa Maynila. Natuwa ako dahil mararamdaman ko na naman ang pagmamahal ng mag-ama!