^

Pang Movies

Mother Lily nag-aalala kay Aga

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nagdurugo na tiyak ang puso ni Mother Lily Montervede sa kapalaran ni Aga Muhlach sa kanyang kandidatura sa 4th District ng Camarines Sur. As of presstime, nakapagsampa na ng reklamo ang aktor sa COMELEC dahil sa failure of elections sa distrito niya.

Nagpadala ng mensahe si Mother kay Aga sa pamamagitan ng text:

 â€œMy dear Aga I feel sori for you be strong and cheer up the world is so beautiful don’t regret of what u did during ur campaign period. It is their lost not ur lost. Ur conscience is pure. Tis ur new beginning. GOD IS GOOD! I LOVE YOU! PLS TAKE CARE!”

Isa si Aga sa mga tinulungan ni Mother sa mga local candidate at isa rin sa pinakamamahal na Regal Baby.

Dingdong pinalad sa pulitika

Mabuti naman at binalikan ni Dingdong Avanzado ang pulitika. Hayan, siya na ang vice governor ng Siquijor.

Sinubukan na rin naman ng asawa ni Jessa Zaragosa ang pumasok sa pulitika noon at nanalo rin siya. Kung hindi kami nagkakamali, konsehal ng Quezon City ang naging posisyon niya. Eh nasa dugo rin naman kasi niya ang pulitika dahil meron din siyang kamag-anak na pumosisyon din.

 Hindi nga lang ipinagpatuloy ni Dingdong ang career niya sa politics. Nagtagumpay naman siya kasi sa pagkanta at paminsan-minsang pag-arte.

’Yun nga lang, nang bumalik sila ni Jessa galing sa Amerika, mas higit na pinalad si Jessa na makabalik sa akting. Hanggang ngayon ay nasa showbiz pa ang aktres pero si Dingdong ay hindi na talaga umarangkada ang career sa pagkanta kahit suportado siya ng Viva.

Ngayong nakapasok muli sa pulitika si Dingdong, doon na lang muna siya maglaan nang malaking oras dahil baka sa larangang ’yun naman siya suwertehin. Isakripisyo muna niya ang pagiging singer niya.

Jennylyn aminadong hindi kagandahang maglakad kaya takot rumampa

Si Jennylyn Mercado ang cover ng June issue ng FHM. Bale third time na niyang magiging cover ng men’s mag pero siya na rin ang nagsabi na mas daring ito kumpara sa nauna niyang covers.

“Hindi naman kasi ako…Alam naman ninyo ang FHM. Dati hindi ako naglalabas ng tiyan. Ngayon, two-piece naman pero hanggang doon lang,” tsika ni Jennylyn sa press visit ng Indio.

Hindi raw niya kaya at magagalit ang anak niyang si Alex Jazz.

“Hindi naman magagalit si Luis (Manzano). Never naman niya akong pinakialaman. Sinabi ko sa kanya itong FHM at sabi niya, ‘Go!’” rason ng aktres.

Wala nga lang siyang balak rumampa sa big event ng magazine dahil takot siyang maglakad sa stage. Hindi rin niya pinangarap maging number one sa sexiest actresses.

 â€œIbinigay na natin sa kanila ’yan. Tanggap ko na ’yan. Baka mapahiya ako. Hindi naman ako kagandahang maglakad,” katuwiran ni Jen.

 

AGA I

AGA MUHLACH

ALEX JAZZ

CAMARINES SUR

DINGDONG AVANZADO

JENNYLYN

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with