Hiwalay na: Malaking problema ni AiAi kay Jed ibinuko ng anak!
Waiting ang lahat sa sagot ni AiAi delas Alas sa tsismis na hiwalay na sila ng kanyang dyowa na si Jed Salang.
Parang kailan lang ang sweet-sweet nila ’tapos ngayon estranged na sila sa isa’t isa. Matindi kung magmahal si AiAi at kung true man na hiwalay na sila ni Jed, tiyak na malalim ang dahilan. Si AiAi pa?
Hindi sana mapapansin na may problema ang pagÂsasama ng dalawa. Ang kaso, nag-react ang anak na babae ni AiAi as in may sinabi ito sa isang social networking site kaya lalong lumakas ang hinala na may malaking problema sa relasyon nila ni Jed.
Abangan natin ang mga susunod na kabanata dahil nakatutok ang entertainment press sa hiwalayan issue ng dalawa.
Alfred magpapakundisyon ng katawan bago umupo sa kongreso
Magpapahinga muna si Congressman Alfred Vargas pagkatapos ng matagal na panahon ng pangangampanya niya sa 5th District ng Quezon City.
Higit sa lahat, magpapapayat muna si Alfred dahil tumaba siya, isang bagay na hindi niya idine-deny. Nag-promise si Alfred na poging-pogi na uli siya pagkatapos niya na magpakundisyon ng katawan.
Ngayon na lang uli nakakatikim si Alfred ng mahaba-habang oras ng pagtulog. Binabawi niya ang kanyang mga pagpupuyat noong mga nakaraang buwan. Hindi mahirap kay Alfred ang magbawas ng timbang dahil kasosyo siya sa branch ng Elorde Gym sa Quezon City.
Kumandidatong mga artista noong elekisyon halos 90
Nanalo si Jestoni Alarcon bilang board member sa probinsiya ng Rizal pero ang kanyang tunay na pangalan na Anthony Jesus Alarcon ang kanyang ginamit kaya hindi agad nalaman ng ibang mga reporter na iisang tao lamang ‘yon.
Nahalal naman na vice governor ng Siquijor si Dingdong Avanzado na nag-attempt na noon pero nabigo. Sa wakas, natupad ang dream ni Dingdong na maging pulitiko ngayon.
Kumandidato rin noong nakaraang eleksiyon sina Roi Vinzon, Dan Alvaro na uncle pala ni Glaiza de Castro, Anthony Castelo, Emilio Garcia, Heber Bartolome, Allan Paule, Rey Valera, at marami pang iba.
May nagsabi sa akin na halos 90 na showbiz personalities ang tumakbo for public office noong May 13 pero iilan lamang ang pinalad.
Hindi naging masuwerte ang mayoralty bid ni Rida Robes, ang mabait na asawa ni San Jose del Monte, Bulacan incumbent Congressman Arthur Robes. Luz Valdez man si Rida, winner pa rin siya dahil reelected ang kanyang dyowa na kinalaban ni Imelda Papin. Maipagpapatuloy pa rin ni Mama Rida ang paglilingkod niya sa mga residente ng San Jose del Monte.
Hanggang ngayon, ginagamit ko pa rin ang bonggang katsa bag na project ni Mama Rida at source of income ng jobless wives ng city na pinagsisilbihan ni Papa Arthur.
- Latest