^

Pang Movies

Parang nasa bahay lang Vin Diesel nakasando nang dumating sa red-carpet premiere ng kanyang pelikula

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nagulat ang showbiz insiders, pati na fans, na hindi sumunod sa dress code ng red-carpet premiere for his Fast & Furious 6 movie si Vin Diesel. Lahat ng kanyang mga co-star sa pelikula, naka-formal wear. Si Vin lang ang dumalo sa okasyon nang nakasando!

Kung hindi siya isang Holywood actor, tiyak na hindi siya pinapasok sa venue. Sobrang feeling at home si Vin kaya pambahay ang suot niya. Say nga niya sa isang interview, ‘‘I feel that I’m home with my family.”

Dennis hindi na baguhan sa pagba-bading

Muling gaganap ng isang gay role si Dennis Trillo sa bagong GMA teledrama na My Brother’s Husband. Noong una siyang nag-baklesh ay sa pelikulang Aishite Imasu na filmfest entry, nagwagi pa siya ng best actor.

Hayagang bading ang kanyang bagong papel pero ’yun namang simple at hindi screaming faggot. Ilulunsad ang bagong palabas kasabay ang iba pang new shows for the second half of 2013 from the network.

Starlet na endorser isinusumpa ng parlor ow­ner,  mahilig mag-take home ng mga gamit at beauTy products

Labis ang pagsisisi ng isang beking owner ng isang sikat na parlor. Kinuha niya kasing endorser ng kanyang salon ang isang starlet na mahilig sa libre. Bukod sa lahat ng kanyang gratis na hairdo, makeup, body spa, manicure and pedicure, kasabay pa niya ang alalay na tumatanggap ng libreng services.

Bukod dito, mahilig mag-take home ng beauty products ng parlor ang kapalmuks na starlet. Kapag nagustuhan ang mga nail polish, ilalagay agad sa kanyang bag. Ang iba’t ibang cream at facial toner, hinahakot din niya. Pati mga lipstick, tinatangay din kapag nagustuhan ang kulay!

Ewan kung kailan niya dadalhin ang kanyang mader at mga kapatid sa parlor. Ngayon pa lang sumusumpa na ang bading na owner, hindi na niya ire-renew ang kontrata with the starlet next year!

Aba, hindi naman talent ni Lolit Solis ang harbaterang starlet!

LJ pigil na pigil magsalita

Higit na masaya ngayon si LJ Reyes kahit nabalitang naghiwalay na sila ni Paulo Avelino. Basta’t nasa kanya ang son nilang si Aki, never magdurusa ang aktres.

Pigil na pigil ang mga salitang binitiwan niya sa movie press. Gusto niya laging intact ang kanyang private life. Bakit kaya lahat ng nangyayari sa kanyang buhay lumalabas? Magpalit ka kaya ng P.A. o alalay.

Daniel patok pa rin sa second album

Dalawang albums ni Daniel Padilla ang nasa Top 10 ng music charts this week. Siyempre No. 1 ang kanyang latest CD. Nasa No. 3 naman ang kanyang debut, self-titled album.

Matuk n’yo Julie Anne San Jose at Elmo Magalona?

Juday at Ryan pinipilit maghiwalay

Ginugulat at ginugulo pa rin ng mga tanong na paghihiwalay at annulment sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Nagtataka sila kung saan galing ang mga maling balita. Sure naman ang happy couple na never silang naapektuhan ng nasty rumor.

Biyuda ni Tita Swarding wala nang poproblemahin, limang anak college graduate lahat

Goodbye, Tita Swarding. Si Romulo Espina (real name) ang isa sa mga pioneer na gay broadcaster.

Kasabay niya ang kaibigang si Claring na nga­yon ay mayaman na sa California.  Mahilig din umar­te si Swarding kaya he considered himself a character actress.

Sa four decades niya sa showbiz ay meron siyang limang anak, na napagtapos niya sa college, at mga apo. Kaya naman secure na ang biyuda ni Swarding na si Betchay.

 

 

vuukle comment

AISHITE IMASU

BUKOD

DANIEL PADILLA

KANYANG

NIYA

TITA SWARDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with