^

Pang Movies

Annabelle tanggap na tanggap na ang pagkatalo

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nag-concede na si Annabelle Rama sa kalabang si Raul del Mar sa pagka-Congressman ng first district ng Cebu City.

Sa kanyang Twitter account niya ipinahayag ang pagtanggap sa pagkatalo pero ang kasunod nito ay ang mga linyang “I shall return.”

Narito ang sunud-sunod na tweets ni Bisaya last May 14:

“Hi to all my twitter followers Im back. I missed you all.

“Its been a 6 month journey. At wala akong pinagsisihan.

“Its good experience ang dami kung natutunan.

“Magpasalamat ako sa lahat ng mga supporters ko sa North district of Cebu City.

“Its not the end of my political career.

“Asahan nyo mga kababayan ko sa Cebu. Di pa tapos ang pagtulong ko sa inyo.”

“To my opponent, congratulations sa iyo. Nakita ko ang kahirapan sa ibat ibang parte ng Cebu North District.

“Sana sila ang unahin mong tulungan. Yung pork barrel gamitin mo sa tama. Maawa ka naman sa kanila.

“Im happy nanalo si Mayor Mike. Matutuloy na niya ang mga projects na sinimulan niya na mas magpapaunlad sa Cebu City.”

 â€œAt ngayon ko nakilala ang mga tunay at tapat na kaibigan na nagsupport sa akin.

 â€œI shall return. Di pa tapos ang aking adhikain. Serbisyo dili negosyo.”

Triple ang lamang ng boto kay Annabelle ng mahigpit niyang kalabang si del Mar at nakatutuwa namang tahimik niyang tinanggap ang pagkatalo. Walang pagtataray at wala kang mababakas na bitterness.

Izzy sa Star Quest unang nakilala

Masuwerte ang child actor na si Izzy Canillo dahil hindi natapos sa isang linggong pagganap niya bilang batang Juan sa Juan dela Cruz ni Coco Martin ang kanyang papel.

Naglabas ng bagong serye ang ABS-CBN na bale prequel ng JDC  titled My Little Juan and this time, naka-focus lamang sa pilyong batang si Juan at ang buo niyang childhood days, mula sa ipinagbubuntis siya ng kanyang inang si Amelia (Mylene Dizon) hanggang sa pagpapalaki sa kanya ni Fr. Cito (Jaime Fabregas).

Sa mga hindi masyadong pamilyar kay Izzy, una siyang nagpabilib sa reality talent search na Star Circle Kid Quest Season 3, at mga programang tulad ng Ikaw ay Pag-ibig at Goin’ Bulilit.

Coco nasobrahan na naman ng pagod, nilagnat, namaga ang kamay

Speaking of Coco, isinugod pala ang aktor sa hospital last Tuesday dahil sa lagnat, pamamaga ng kamay at kasama na rin ang fatigue dahil sa walang humpay na pagte-taping ng JDC.

Ayon sa report, kahit may sakit na’t pinagpapahinga na lang ng doktor ay nagpunta pa rin si Coco sa set para tapusin ang kanyang remaining scenes sa JDC.

Kahapon, Wednesday ay stable na raw ang kondisyon ni Coco kaya walang dapat ipag-alala ang kanyang mga fans.

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

CEBU CITY

CEBU NORTH DISTRICT

COCO MARTIN

IZZY

IZZY CANILLO

JAIME FABREGAS

MAYOR MIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with