Dating ka-love team ni Juday agad-agad nagpakasal sa nakilalang negosyante

Higit na tatlong taong hindi naging aktibo sa showbiz ang dating miyembro ng dance group na Universal Motion Dancers at ka-love team noon ni Judy Ann Santos na si Wowie de Guzman.

Huling napanood si Wowie ay sa ABS-CBN primetime drama na Rubi at kelan lang ay nagkaroon siya ng guest role sa serye na The Little Champ.

Nagkaroon ng isang one-on-one interview si Wowie sa The Jon Santos Show na pinapalabas sa Viva Channel at nagkuwento ito ng kanyang mga pinagkaabalahan habang hindi nga siya naging visible sa showbiz ng ilang taon.

Nagkaroon pala sila ng food business ng kaibigan niya at mister ni Gladys Reyes na si Christopher Roxas. Naging successful naman daw ito sa mga unang buwan ng operation nila.

Dahil sa isang negosyo kaya niya nakilala ang kanyang misis na nagngangalang Sheryl Ann Reyes.

Sa kuwento ni Wowie ay mabilis silang nagka-inlaban ng kanyang misis.

 â€œMay isang business ako noon na may kinalaman sa pagbenta ng mga speaker, mga earphone. Isa siya sa mga kumuha sa akin. Eh na-type-an ko siya. Kaya mabilis ko siyang niligawan.

 â€œSiguro three months pa lang nagpakasal na kami. Civilly wed kami noong 2012 pa.

 â€œSabi nga nila, whirlwind romance kasi ilang months pa lang kami talaga. Pero kung siya ang destined para sa akin, bakit ko naman hindi tatanggapin iyon, ’di ba?” say pa niya.

Ayon pa kay Wowie ay business-minded ang kanyang misis at maging ang pamilya nito ay may sariling negosyo na siya na ang nagpapatakbo ngayon.

“Kaya pa-guest-guest lang ako ngayon. Ilang beses din akong nag-guest sa Maalaala Mo Kaya at Wansapanataym. Mga gano’n lang muna dahil ipinangako ko sa misis ko na ang focus ko ay sa aming family,” sabi ng aktor.

Justin hindi na like ng mga ’Kano

Dahil sa mga negative na mga headline ni Justin Bieber, nakakuha ito ng 54 percent in unfavorable ratings mula sa Public Policy Polling na nag-survey sa 571 voters in America.

Patunay lang na maraming mga American ang hindi siya nagugustuhan ngayon dahil 20 percent lang ang likability side na nakuha niya.

Hindi nalalayo ang unfavorable rating ni Bieber sa ratings nina Lady Gaga at Chris Brown na nakakuha ng 50 and 57 percent unlikeable, respectively.

Ang mga nag-score ng mataas bilang favorable artists ay sina Adele at Taylor Swift. Nakakuha sila ng 54 and 53 positive ratings, respectively.

Gayun din sina Justin Timberlake (52 positive) at Beyoncé (51 positive).

Sa type of music, nag-score ng mataas ang classical, jazz, and country music with 77 percent positive. Pinaka-lowest ang nakuha ng rap with 68 percent negative.

   

 

Show comments