Ngayong gabi ang proklamasyon ng COMELEC sa 12 senators na nag-win sa elekÂsiyon noong Lunes.
In fairness sa local election, mabilis na ang pagbilang sa mga boto kesehodang pumalpak ang ibang mga PCOS machine.
Komportableng-komportable na si forÂmer MTRCB (Movie and Television Review and ClassiÂfication Board) Chair Grace Poe-LlaÂmanÂzaÂres sa number one position.
Hinding-hindi na siya puwedeng daÂyain at lalong imposible na mawala ang kanyang name sa Magic 12.
Ang tagumpay ni Mama Grace ay tagumpay ng kanyang mga magulang. Kung nasaan man ngayon si Fernando Poe, Jr., siguradong maligaya ito dahil maipagpapatuloy ng kanyang anak ang mga pangarap niya na hindi natupad dahil dinaya siya noong 2004 presidential elections.
Walang nag-akala na magiging No. 1 senator si Mama Grace dahil sa mga survey ay never na natiÂnag sa No. 1 slot si Sen. Loren Legarda.
Congrats Mama Grace! Magkita tayo sa victory party mo!
Alfred hindi naitumba ng mga paninira
Nakita ko ang resulta ng eleksiyon sa District 5 ng Quezon City. Na-prove ko na totoo ang tsismis na insecure kay Congressman Alfred Vargas ang kanyang mga kalaban na literal na pinakain niya ng alikabok.
Wa effect ang demolition job ng isang kandidato laban kay Alfred. Nag-aksaya lamang siya ng datung sa printing ng mga diyaryo na puro paninira kay Alfred ang laman. Ngayon niya sabihin na disqualified candidate si Alfred na congressman na ngayon ng 5th District ng Quezon City. I’m sure, nginangatngat ng inggit ang puso ng kandidato. Sayang na sayang ang datung na inaksaya lamang niya para makapanira ng kapwa.
Erap handang patawarin si Mayor Lim
Handa si former President Joseph Estrada na patawarin si Manila City Mayor Alfredo Lim.
Hindi isyu kay Papa Erap ang mga paninira sa kanya ni Mayor Lim noong panahon ng kampanya dahil sanay na sanay na siya sa pulitika.
Ngayon pa ba magtatanim ng galit si Papa Erap eh winner na siya? Tama na ’yung na-prove ni Papa Erap na buung-buo pa rin ang tiwala at pagmamahal sa kanya ng mga Manileño.
Ngayong siya na ang bagong alkalde ng Maynila, gusto kong bumalik sa bahay ni Papa Erap sa Sta. Mesa. Miss ko na ang mga pagkain na inihanda niya noon. Kailan kaya magpapatawag ng victory party ang kanyang anak na si Sen. Jinggoy Estrada?
Batikos nakatulong
Imbes na makasira, nakatulong pa ang batikos ni Vice Ganda kay Nancy Binay na sigurado nang mahahalal na senador.
Ayon sa mga expert, nadagdagan ang awareness ng mga tao sa senate candidacy ni Nancy dahil sa mga pahayag ni Vice Ganda laban sa kanya.
Nakuha ni Nancy ang simpatiya ng madÂlang-bayan dahil ang feeling nila, aping-api ang anak ni Vice President Jojo BiÂnay.
Kung hindi nag-react si Vice Ganda sa senatorial bid ni Nancy baka hindi ito kasali sa Top 5 elected senators.
Annabelle maaasikaso na ang mga talent
Tapos na ang eleksiyon kaya balik na uli sa normal ang mundo ng showbiz. MaÂkaÂkapag-focus na uli si Annabelle Rama sa pagma-manage sa career ng kanyang mga talent.
Matatanggap ko na rin ang mga project para kay Christopher de Leon na hindi naÂwalan ng alok mula sa tatlong major teleÂvision networks kahit busy siya sa paÂngangampanya.