Marian personal na inaayos ang mga commitment at contracts!
Nag-usap na kahapon sina Mother Lily Monteverde at Marian Rivera.
Si Marian ang tumawag sa cell phone ni Mother at pinag-usapan nila ang kontrata niya sa Regal Entertainment, Inc.
Personal na inaayos ni Marian ang kanyang mga commitment at contract mula nang maghiwalay sila ng kanyang ex-manager na si Popoy Caritativo.
Ito ‘yung sinasabi ni Marian na may freedom na siya para magdesisyon sa sarili.
Hindi pa big star si Marian nang pumirma siya ng exclusive contract sa movie outfit ni Mother Lily.
Ang sabi ni Mother, maayos ang pag-uusap nila ni Marian pero may meeting sila ngayon ni Rams David, ang in charge sa All Access to Artists, ang talent management agency na nagpapatakbo ngaÂyon sa career ng aktres.
Dennis ibinuking ang theme song ng manager
Speaking of Popoy, inilagay ni Dennis Trillo sa kanyang Instagram account na I Will Survive ang kinanta ng manager niya nang gumimik sila sa isang bar noong Linggo.
Ang I Will Survive ang national anthem ng mga nilalang na dumaan sa pagsubok pero naka-survive.
Sen. Koko ipo-produce ni Mother Lily ng horror film
Maaga kaming nagkita kahapon ni Mother Lily sa penthouse ng Imperial Palace Suites sa Quezon City dahil sa presscon niya para kay Sen. Koko Pimentel.
Natawa ako sa sinabi ni Mother na baka i-produce niya ang Shake, Rattle & Roll 15 dahil sa zombie TV commercial ni Sen. Koko na hoping na hindi na madadaya sa eleksiyon sa May 13.
Parang mahirap nang dayain ang senaÂdor dahil mataas ang puwesto niya sa mga survey. Hindi siya nalalaglag sa mga survey. Madalas na nasa Top 10 ang name ni Sen. Koko.
Production staff ng Kapamilya walang problema kay Susan, may sariling kosturera at nakaayos na pagdating sa set
Mayaman pala ang role ni Susan Roces sa bagong teleserye ng ABS-CBN.
Masuwerte kay Manang Inday ang production staff dahil dumarating siya sa set na naka-makeup at ready na para sa kanyang close up.
Hindi rin kailangan ni Manang Inday ng stylist dahil may sarili siya na kosturera na gumagawa ng kanyang mga damit.
Ganyan ka-professional at kagaan na katrabaho si Manang Inday.
Indio boboto sa May 13
Walang mga taping ang mga artista ng teleserye sa May 13 dahil sa eleksiyon.
Nag-advance taping ang mga artista kaya halos araw-araw ang kanilang mga taping.
Siyempre, walang taping ng Indio sa Lunes dahil boboto sa CaÂvite si Sen. Bong Revilla, Jr.
- Latest